Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zephanie Dimaranan Vice Ganda

Pagpaparinig ni Vice Ganda para nga ba kay Zephanie?

MA at PA
ni Rommel Placente

MUKHANG pinaringgan ni Vice Ganda ang singer na si Zephanie Dimaranan, huh!

Nag-guest kasi ang komedyante sa Grand Finals ng Idol Philippines Season 2 noong Linggo para sa promo ng pagbabalik ng dati niyang game show sa ABS-CBN na Everybody Sing. 

After ng kanyang dance number, ininterbyu siya ng host ng show na si Robi Domingo. HIningan siya nito ng mensahe para sa bagong tatanghaling Grand Idol Winner. Ang sabi ni Vice, “Sana maraming magbukas na opportunity sa ‘yo. Sana mag-stay ka muna sa network na ‘to.” 

Pagkasabi niyon ay tumawa si Vice. At si Robi at ang mga hurado sa Idol Philippines na sina Gary Valenciano, Moira, Chito Miranda, at Regine Velasquez ay natawa rin. Aware siguro sila na may pinariringgan si Vice at ito  nga si Zephanie. 

Si Zephanie kasi ang kauna-unahang itinanghal na Grand Idol Winner sa Idol Philippines Season 1 noong 2019. Bahagi ng napanalunan niya ay ang pagiging recording artist ng Star Music. Pero ayun at lumipat siya sa GMA 7 at bahagi na siya ngayon ng All Out Sundays.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …