Tuesday , December 24 2024
PAGCOR online sabong

Sanib-puwersa ng operators, regulators sa pagbuo ng mga polisiya para sa e-sabong iminungkahi

HIGIT na magiging pulido ang mga polisiya para sa e-sabong kung magiging magkatuwang ang mga regulator at ang mga operator sa pagbuo nito, ayon sa opisyal ng isang gaming technology.

Sa isang panayam, sinabi ni Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc., Chief Executive Officer Joe Pisano, nakahanda ang kanyang kompanya na makipag-ugnayan sa mga mambabatas para makatulong sa pagtugon sa panawagan ng publiko hinggil sa e-sabong.

“We’re happy to work with the lawmakers. I believe there’s a lot we can contribute to help form regulations and to help drive away the illegal [operators],” sabi ni Pisano.

“At the moment the government’s losing, the community is losing, and it’s something we can do together to help build the industry. The Philippines is the hub for gaming now… nothing makes us happier than to work with the regulators to help grow the e-sabong industry,” dagdag niya.

Sinabi ni Pisano, ang e-sabong ay magandang mapagkunan ng kita ng pamahalaan dahil mayroon itong buong ecosystem ng mga industriya na sumusuporta rito.

Kinabibilangan ito ng mga sektor sa ilalim ng  breeders, feed makers, veterinary, at employment na nag-aambag sa kabuuang  35 percent corporate tax para sa pamahalaan.

Sinabi ni dating Presidente Rodrigo Duterte noong Marso na ang industriya ng e-sabong ay nagkakaloob sa gobyerno ng P640 milyong kita kada buwan. Nakalikom ito ng kabuuang P2.03 bilyon sa unang hati ng taon.

Iginiit ni Pisano, ang e-sabong ay dapat ituring na tulad ng ibang sports dahil may kapareho itong set of rules at mechanisms na ipinatutupad dahil isa na rin itong propesyon sa mahabang panahon.

Dagdag niya, habang ang ibang sports tulad ng basketball, tennis, at football ay pawang may betting systems, ang sabong ay dapat din bigyan ng kaparehong pagtrato.

“Sports betting on cockfighting would be natural on what we do today… We want [for] cockfighting to be treated like any other sport and go through the same treatment as any other sport,” ani Pisano.

Ibinahagi ng CEO na ang mga industriya na labis na namuhunan sa three-year license na ipinagkaloob sa e-sabong operators ay napilitang magbawas ng mga empleyado dahil sa kawalan ng kita, at walang paraan para makarekober.

Aniya, ang kanyang kompanya, ang Jade, ay napilitang magbawas sa mahigit 200 staff nito at naging 30 na lamang dahil sa pagbabawal sa e-sabong.

“Since the operations have been reduced, we have only operated for about five months…so we have taken a lot of losses…we just can’t sustain them with our operations,” ani Pisano.

Ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman and Chief Executive Officer Andrea Domingo, ang e-sabong ang nagkakaloob ng 8 hanggang 10 percent ng kita ng korporasyon na umakyat sa kabuuang P26.70 bilyon sa unang anim na buwan ng 2022.

Noong 2020, naghain sina congressmen Joey Salcedo at AAMBIS-OWA Party-List Representative Sharon Garin ng panukalang batas na humihiling ng pagpapataw ng mga bagong buwis sa e-sabong para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …