Sunday , July 27 2025

UFFC: PROTEKSIYON NG ERC UNA DAPAT SA CONSUMERS

DAPAT protektahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga consumer laban sa banta ng pagtataas sa singil ng koryente.

Binigyang diin ni United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) president Rodolfo Javellana, Jr., na hindi dapat matakot ang ERC na desisyonan ang apela ng South Premier Power Corporation (SPPC) at San Miguel Electric Company (SMEC) na makawala sa Power Supply Agreement (PSA) na kanilang nilagdaan kasama ng Meralco sa kanilang mga konsumer.

Ayon sa UFCC, hindi pa nakababangon sa pagkakalugmok sa hagupit ng pandemya ang hanay ng mga konsumer para bigyan na naman ng higit pang pasanin.

“Hindi dapat matakot ang ERC sa mga oligarko. Dapat nilang panindigan ang kanilang mandato. No’ng panahon na hindi mataas ang presyo ng langis at krudo sa merkado, hindi naman umangal ang mga konsumer na nakatali sa PSA sa kanilang binabayaran. Bakit ngayon hindi panindigan ng SPPC, SMEC, at Meralco ang kanilang pinasok na legal na kontrata sa ating mga konsumer? Bakit kailangang ipasa ang pasanin kay Juan dela Cruz?” pahayag ni Javellana Jr.

Sa isinagawang rally kaapon ng UFCC sa tanggapan ng ERC sa Pasig, binatikos ng grupo ang umano’y tila sabwatan sa pagitan ng Meralco na inaasahang magbabalanse para sa proteksiyon ng mga konsumer, SPPC at SMEC.

“Nakaaalarma na tila hino-hostage nila ang mga konsumer sa kagustuhan nilang ibasura ang sagradong kasunduang nagbibigay proteksiyon sa atin,” giit ni Javellana.

Idinagdag ng UFCC, ang pahayag na posibleng higit pang pagtaas sa presyo ng koryente kung hindi papayagan ng ERC ang hiling ng SPPC, SMEC, at Meralco ay maituturing na pananabotahe sa ekonomiya ng Filipinas.

“Malinaw pa sa sikat ng araw ang bantang paghinto sa 4 Oktubre 2022 ng mga planta na nagge-generate ng koryente ay klarong pangho-hostage sa mga konsumer, tahasang pananakot sa ERC at sa ating gobyerno!” pahayag ng grupo.

Kasabay nito, hinamon ng UFCC ang bagong ERC Chairman na si Atty. Monalisa Dimalanta na siyang tanodbayan sa koryente na huwag matakot sa banta ng mga oligarko at huwag magbingi-bingihan sa hinaing ng sambayanang Filipino na proteksiyonan ang mamamayan laban sa dikta ng mga dambuhalang korporasyon ng koryente sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …