Kampo Heneral Paciano Rizal – Timbog ang isang vlogger at dalawa pang suspek na nakompiskahan ng P3.7 milyong halaga ng high grade marijuana sa buy bust operation ng Laguna PNP.
Sa ulat kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-In-Charge (OIC) ng Laguna PPO, ang mga suspek ay kinilalang sina Jerome Zapanta Layson, alyas Jhem Bayot, 31 anyos, walang asawa, nagpakilalang vlogger; Ginalyn Pintang Benisa, alyas Nalyn, 30 anyos, walanga sawa, helper; at Crismark Balboa Alimagno, alyas Lake, 21 anyos, helper, pawang mga residente sa Brgy. San Isidro, San Pablo City, Laguna.
Sa ulat ng San Pablo City Police Station, naaresto ang mga suspek na sina alyas Jhem Bayot, Nalyn, at Lake sa isinagawang buy bust operation dakong 3:18 am nitong 10 September 2022, sa Brgy. San Isidro, San Pablo City, Laguna, matapos matagumpay na makabili ng hinihinalang ilegal na droga sa mga suspek, ang mga awtoridad na nagpanggap na poseur buyer.
Nasamsam sa mga suspek ang isang paketeng medium size heat-sealed transparent plastic bag, naglalaman ng hinihinalang high-grade marijuana leaves and seeds, tatlong paketeng medium size heat-sealed transparent plastic bag naglalaman ng hinihinalang high-grade marijuana leaves and seeds, anim paketeng large heat-sealed transparent plastic bag, naglalaman ng hinihinalang high-grade marijuana leaves and seeds, tinatayang aabot sa P3,750,000 ang halaga, at timbang na aabot sa 2.5 kilograms at tatlong piraso ng P500 paper bill ginamit na pambili, isang piraso ng P500 paper bill at isang pirasong luggage bag.
Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo City Police Station habang ang mga nasasam na ilegal na droga ay isusumiti sa Provincial Forensic Unit at Camp Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna Crime Laboratory for forensic examination.
Sinabi ni P/Col. Silvio, “kung hindi titigil ang mga nagbebenta at gumagamit ng mga ipinagbabawal na droga ay mas lalong hindi po titigil ang Laguna police sa pagsugpo kontra droga.”
Ani P/BGen. Jose Melencio C Nartatez, Jr., “Asahan n’yo po mga mamamayan ng Lalawigan ng Laguna mas paiigtingin pa po namin ang aming mga operasyon kontra droga para sa mga kabataan natin, na ‘wag na sila masangkot sa mga ganitong gawin.” (BOY PALATINO)