Sunday , December 22 2024
Mariel Rodriquez-Padilla Boy Abunda Maribeth Tolentino ALLTV AMBS

Mariel Rodriguez-Padilla pumirma rin sa ALLTV

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PAGKATAPOS ng apat na taong pamamahinga sa telebisyon, muling mapapanood ang versatile television host, endorser, at commercial model na si Mariel Rodriquez-Padilla, dahil pumirma na rin ito sa ALLTV.

Masayang sinalubong si Mariel ni AMBS President Maribeth Tolentino at sinabing tiyak na mas magiging exciting ang panonood sa  ALLTV dahil papasok na rin ang misis ni Sen. Robin Padilla bilang TV host at actress sa bago nitong level.

Taong 2016 nang huling mapanood si Mariel bilang host ng Pinoy Big Brother Lucky 7 at noong 2018 sa It’s Showtime.

Mariel will surely add more fun, and entertainment that every viewer, especially moms, can relate to. We are looking forward to working with you, Mariel.  Welcome to your new ALLTV family,” ani Tolentino nang maganap ang pirmahan sa  Mella Hotel noong September 8.

 Dumalo sa contract signing ni Mariel ang kanyang manager na si Boy Abunda. Present din sina AMBS CFO Maryknoll Zamora, at AMBS general counsel Atty. TJ Mendoza.

“Thank you so much to ALLTV.  I am so excited for the many possibilities. Like what Ms. Beth said, ‘Let’s make a beautiful show. Let us make our viewers happy’,” ani Mariel at isinunod ang sinabi ni Tolentinona,  “All I want to do is make people happy.”

Nagpahayag din ng excitement si Kuya Boy na siyang nakadiskubre kay Mariel dahil magiging bahagi na ito ng ALLTV. 

Nagsimula ang career ni Mariel edad 15 bilang commercial model at ngayo’y misis na ng actor-politician na si Robin. Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Maria Isabella at Maria Gabriella.

Bukod kay Mariel nauna nang pumirma ng kanilang kontrata sina Willie Revillame,  Toni Gonzaga, Paul Soriano, Anthony Taberna, at Ciara Sotto.

Bukod dito, nakipagsanib din ang ALLTV sa CNN Philippines para sa pagsasa-ere ng kanilang flagship news program, ang News Night, 6:00 p.m., Monday to Friday.

Eere ang ALLTV simula  Sept. 13 na mapapanood sa Channel 2 on free-to-air TV and Planet Cable, Channel 16 on digital TV, and Channel 35 on Cignal TV, at Sky Cable.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …