ISANG samahan na nabuo dahil sa pagtutol sa pagtatayo ng dam sa bayan ng Pakil ang nagkaroon ng libreng palengke.
Ang Mamamayang Nagmamahal Sa Pakil (MANAPAK) kasama ang iba pang organisasyon ay nagsagawa ng Sunday Free Market sa Rizal Covered Court, Brgy. Taft, Pakil, Laguna nitong nakaraang 4 Setyembre 2022.
Nagkaroon ng libreng pakain, libreng gupit, libreng mga damit at mga kagamitan sa iisang layunin.
Marami ang naging masaya sa pakikiisa at paglahok sa isinagawa libreng palengke ng MANAPAK at lubos ag pasasalamat sa lahat ng dumalo at tumulong upang maging matagumpay ang isinagawang aktibidad.
Patuloy na hinihikayat ng samahan na magkaisa at magtulungan para tutulan ang pagtatayo ng Ahunan Dam sa bayan ng Pakil, Laguna.
Layunin ng samahan na patuloy na magsagawa ng masasaya at masisiglang gawain upang maging inspirasyon at makatulong sa mamamayan ng Pakil upang maghikayat ng mga makakasama sa pagtutol sa patuloy na pagkilos sa kabundukan.
Ang resolusyon ng walang pagtutol sa proyekto ng Ahunan na ipinasa noong 2020 at 2021 ay binawi sa ilalim ng Resolusyon No. 097 na ipinasa noong 9 Agosto 2022.
Samakatuwid, ang proyektong Ahunan Pumped Storage Hydropower Project ay bumalik sa zero at lahat ng hindi natapos na aktibidad na may kaugnayan sa bagay na ito. (BOY PALATINO)