Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mamamayang Nagmamahal Sa Pakil MANAPAK

Sa Pakil, Laguna
PAGTUTOL SA AHUNAN PUMPED STORAGE HYDROPOWER PROJECT NAGLUWAL NG MANAPAK

ISANG samahan na nabuo dahil sa pagtutol sa pagtatayo ng dam sa bayan ng Pakil ang nagkaroon ng libreng palengke.

Ang Mamamayang Nagmamahal Sa Pakil (MANAPAK) kasama ang iba pang organisasyon ay nagsagawa ng Sunday Free Market sa Rizal Covered Court, Brgy. Taft, Pakil, Laguna nitong nakaraang 4 Setyembre 2022.

Nagkaroon ng libreng pakain, libreng gupit, libreng mga damit at mga kagamitan sa iisang layunin.

Marami ang naging masaya sa pakikiisa at paglahok sa isinagawa libreng palengke ng MANAPAK at lubos ag pasasalamat sa lahat ng dumalo at tumulong upang maging matagumpay ang isinagawang aktibidad.

Patuloy na hinihikayat ng samahan na magkaisa at magtulungan para tutulan ang pagtatayo ng Ahunan Dam sa bayan ng Pakil, Laguna.

Layunin ng samahan na patuloy na magsagawa ng masasaya at masisiglang gawain upang maging inspirasyon at makatulong sa mamamayan ng Pakil upang maghikayat ng mga makakasama sa pagtutol sa patuloy na pagkilos sa kabundukan.

Ang resolusyon ng walang pagtutol sa proyekto ng Ahunan na ipinasa noong 2020 at 2021 ay binawi sa ilalim ng Resolusyon No. 097 na ipinasa noong 9 Agosto 2022.

Samakatuwid, ang proyektong Ahunan Pumped Storage Hydropower Project ay bumalik sa zero at lahat ng hindi natapos na aktibidad na may kaugnayan sa bagay na ito. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …