MULING Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Taguig, sa pamamagitan ng Medical Assistance Office, ang Taguig Love Caravan, isang programa na naglalayong maiparating ang mga serbsiyong medical, dental, at wellness sa mga Taguigeño.
Naka-iskedyul para sa linggong ito: 6 Setyembre 2022 – San Miguel; 7 Septyembre 2022 – Central Signal; at 8 Setyembre 2022 sa Fort Bonifacio.
Maaaring magpa-check-up, magpabunot ng ngipin at magpagupit ng buhok nang libre sa Taguig Love Caravan.
Maaari rin matutong gumawa ng mga produktong pangkabuhayan sa ilalim ng programang ito, na first come, first served basis.
Para sa Medical at Dental Mission, may ilang mga patakarang kinakailangang masunod ang bawat benepisaryo.
‘Pag 18-anyos pataas dapat fully vaccinated at nakatanggap ng booster shot may dalang vaccination card.
‘Pag menor de edad dapat nakatanggap ng kanilang 1st dose o 2nd dose kasama ang kanilang parents/guardians na may dalang vaccination card.
Magsisimula ang registration para sa programa dakong 7:00 am habang ang mismong medical, dental, at wellness mission ay magsisimula 8:00 am. Ito ay magkakaroon ng cut-off sa tanghali.
Ang serbisyong ito ay tatakbo mula 6 Setyembre hanggang 27 Setyembre 2022.