Friday , November 15 2024
Robin Padilla Eddie Garcia

 “Eddie Garcia Law” isinulong sa Senado

PARA protektahan ang kapakanan ng mga artista at iba pang mga nagtatrabaho sa pinilakang tabing, ihinain ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla ang panukalang batas para sa kanilang kaligtasan, habang nakatanggap siya ng panawagang maghain ng katumbas na panukalang batas para sa media.

Ani Padilla, nagtrabaho sa sine at telebisyon mula noong dekada 80, tinagurian niyang “Eddie Garcia Law” ang Senate Bill 450 bilang paggunita sa beteranong aktor na namatay noong 2019.

“The bill, called ‘Eddie Garcia Law’ as a tribute to the veteran actor, is a response to the urgent call of the members of the television and movie industry for the government to provide guidelines for safe and better working conditions for the protection of the workers’ welfare in the industry,” ani Padilla na namumuno sa Senate Committee on Public Information and Mass Media.

               Sa kanyang panukalang batas, ikinalungkot ni Padilla na namatay si Garcia, isang beterano at premyadong aktor, dahil sa kapabayaan na makapagbigay ng ligtas na lugar at kapaligiran sa trabaho.

Dagdag niya, kakaiba ang kalagayan ng mga nagtatrabaho sa pinilakang tabing, kasama ang mahabang oras na shooting, mababang sahod, pagod at tensiyon, at trabahong overnight at overtime.

“These work conditions pose risks to the safety, health, and even life of workers. Most recent of which was the unfortunate death of Mr. Eddie Garcia, a veteran and multi-awarded actor who was met by an unfortunate accident on set due to supposed negligence on safety in the workplace. The death of other known personalities, Director Gilbert Perez in 2008 and Directors Wenn Deramas and Francis Xavier Pasion in 2016, were also attributed to poor working conditions in the industry,” ani Padilla.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga Workers or Independent Contractors (WIC) ay poprotektahan sa lugar at oras ng trabaho. Titiyakin din ang benepisyo, sahod at kaligtasan nila.

Ang regular na oras ng pagtatrabaho ay walong oras sa isang araw, na maaaring palawigin hanggang 12 oras. Ang WIC ng edad 60 anyos pataas ay papayagang magtrabaho ng higit 12 oras sa isang araw kung pipirma ng waiver alinsunod sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Para sa mga menor de edad, hindi puwedeng lampas sa 60 oras sa isang linggo ang pagtatrabaho.

May night shift premium na 10% ng sahod ng WIC kada oras ng trabaho sa pagitan ng 10:00 pm at 6:00 am. Magkakaroon din ng oras ng pahinga na magtatagal ng 12 oras o higit pa.

Ang mga empleyado ay sakop ng Social Security System, Pag-IBIG, at PhilHealth, at magkakaroon ng retirement benefits.

Sasagutin ng amo ang mga kakailanganin ng WIC tulad ng pagkain, tubig, PWD-friendly, at gender-considerate toilets, private dressing rooms, safe holding areas na may emergency exits, free accommodation, at dedicated emergency vehicles.

Inaatasan ng panukalang batas ang Occupational Safety and Health (OSH) officer ng amo para mag-risk assessment sa lugar ng trabaho upang matugunan ang posibleng panganib.

May karapatan ang WIC na magbuo ng samahan para sa collective bargaining at mutual aid benefit.

Ipinagbabawal sa ilalim ng panukalang batas ang

“cabo system.”

Samantala, itatatag ng DOLE ang Film, Television and Radio Entertainment Industry Tripartite Council para maging tulay sa mga amo at mga nagtatrabaho sa industriya, at para maresolba ang anomang gusot at suliranin. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …