Thursday , May 8 2025
PACQUIAO MARQUEZ

Sa 2023?
PACQUIAO VS MARQUEZ V 

ni Marlon Bernardino

MALAKI ang posibilidad, sa ika-5 pagkakataon ay magpapalitan ng suntok sina Filpino pug Manny “Pacman” Pacquiao at Mexican warrior Juan Manuel “Dinamita” Marquez sa 2023?

Si Pacquiao ang eight time world champion habang si Marquez naman ay ika-3 Mexican boxer ( Érik Morales at Jorge Arce) na naging world champion sa four weight classes, na nakamit ang nine world championships gaya ng WBA (Super), IBF at WBO featherweight titles sa pagitan ng 2003 at 2007; ang WBC super featherweight title mula 2007 hanggang 2008; ang WBA (Super), WBO, Ring magazine at lineal lightweight titles mula 2008 hanggang 2012; at ang WBO junior welterweight title mula 2012 hanggang 2013.

               Ayon kay Boxing historian Bert Sugar, si Pacquiao ay isa sa greatest southpaw fighter of all time, habang napasama si Márquez na mailuklok sa International Boxing Hall of Fame noong 2020.

Ating magugunita sa Pacquiao vs. Marquez IV noong 8 Disyembre 2012 na ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada ay tinalo ni Marquez si Pacquiao sa isang knockout na may nalalabing isang segundo sa sixth round.

Ito ay naging Fight of the Year at Knockout of the Year ng Ring Magazine, na nakataya ang commemorative belt ng WBO, tinawag na “Champion of the Decade,” kumita ng 1.15 million pay-per-view buys.

Ang naunang tatlong laban nina Pacquiao at Marquez ay nauwi sa controversy.

Sa darating na Disyembre, makakalaban ni Pacquiao si Korean YouTuber DK Yoo na gaganapin sa South Korea.

Ito ay isang charity event para sa mga pamilyang naapektohan ng digmaan sa Ukraine at Russia.

Sa huling laban ni Pacquiao, siya ay nabigo sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas via unanimous decision na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada, USA noong Agosto 2021.

Sa kasalukuyan ay abala si Pacquiao sa paglalaro at pag-oorganisa ng chess at billiards event sa kanyang bahay sa Forbes Park sa Makati City at sa The Mansion sa General Santos City.

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …