Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kalesa nabangga ng bus sa Ilocos Norte KABAYO NATUMBA SUGATAN

Kalesa nabangga ng bus sa Ilocos Norte
KABAYO NATUMBA SUGATAN

SUGATAN ang isang kabayo nang mabangga ng bus ang kalesang hila-hila nito nitong Sabado ng umaga, 3 Setyembre, sa lungsod ng Laoag, lalawigan ng Ilocos Norte.

Batay sa kuha ng CCTV, nahagip ng bus ang kalesa habang papunta sa parehong direksiyon saka natumba ang kabayo at tumama sa nakaparadang tricycle.

Ayon sa nagbahagi ng video na si VA Jan Carlo, tumigil ang bus at kinausap ng konduktor ang mga nasangkot sa insidente.

Bagaman hindi nasaktan ang kutsero ng kalesa, nabatid na sugatan ang natumbang kabayo.

Pahayag ng Laoag City Traffic Division, hindi naiparating sa kanila ang insidente at maaaring nagkaareglohan ang mga sangkot dito.

Samantala, pinatawan ng kompanya ng bus ang kanilang driver ng preventive suspension dahil sa naganap na insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …