Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Carlo Aquino Marjorie Barretto

Sexy role aprubado kay Marjorie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INIHAYAG pa ni Julia Barretto na aprubado sa kanyang inang si Marjorie Barretto ang paggawa ng sexy film na Expensive Candy ng Viva Films na mapapanood na sa September 14.

Ani Julia nagustuhan ng kanyang ina gayundin ng ibang miyembro ng kanyang pamilya ang gagampanang papel sa Expensive Candy,

I told them about the film that was pitched to me. After a couple of months, noong dumating na sa aking ‘yung script, ipinabasa ko ng buo sa mommy ko,” kuwento ni Julia.

Nakadagdag din ng pagpayag ni Marjorie na gawin ni Julia ang pelikula dahil nakatrabaho na ng kanyang anak si direk Jason Paul. Nagsama na ang dalawa sa Between Maybes.

My whole family are very supportive of it and they really love direk JP, even Caloy (Carlo Aquino) so they are very excited for this film,” giit pa ni Julia.

Sinabi ni Direk JP na isang romance film ang Expensive Candy na magpapakita ng kakaibang Julia.

I’m so so excited for everybody to see this. Its like nothing that I’ve done before. i’d like to believe it’s a coming of age film,” ani Julia.

Isang kuwento ng pag-ibig na mahahanap sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon, tungkol kay Renato Toto Camaya (Carlo), isang high school teacher na magla-love at first sight kay Candy (Julia) matapos nitong bayaran ang isnag gabi para makasama ang dalaga.

Iba ang dating at hindi mawawala sa isip ni Toto si Candy kaya susubukan niyang mapalapit dito at makasama araw-araw, gabi-gabi. Kait na mahirapa t ma-effort, kahit bayaran pa niya nag oras nito.

Tunghayan ang tagos-pusong linyahan at kakaibang screen chemistry nina Carlo at Julia sa una nilang pagtatambal, ang Expensive Candy na mapapanood na sa September 14.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …