ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ni Ayanna Misola ang labis na saya sa magandang feedback sa tinatampukang pelikula titled Bula, na palabas na ngayon sa Vivamax.
Nagkaroon ito ng private screening sa Gateway Cinema last Tuesday at kung noon ay ang paghububad ng sexy actress ang napapansin ng manonood, this time ay acting na ni Ayanna ang nagmarka sa moviegoers.
Esplika ni Ayanna, “Sobrang happy po ako na mas na-appreciate po ng viewers this time ‘yung acting skills ko kaysa katawan ko. Super happy and contented po talaga ako after namin i-shoot ‘yung film na ito. Like feeling ko na fill up ko ‘yung hole ko sa sarili ko.
“Kasi to be honest po, most of the time after ko mag-shooting ay may mga thoughts po ako na, ‘Sana pala ganito ‘yung ginawa ko’. Sobrang saya po ng set namin and first time ko po makapunta sa Baguio.”
Aniya, “Ayun po, sobrang saya ko po sa mga natanggap kong feedbacks. Alam ko po sa sarili ko na marami pa po akong need i-improve. So, ang next challenge ko naman po sa sarili ko ngayon is to level up, like dapat ma-maintain ko na ‘yung pagiging marunong um-acting since naging okay po ako rito sa Bula.
“Kung puwede lang magka-Covid kada bago mag-shooting, e. Baka po kasi epekto ng Covid ito, e, hahaha! Joke lang po,” pabirong wika ni Ayanna dahil bago i-shoot ang naturang pelikula ay tinamaan siya ng Covid.
Paano niya ide-describe ang kanyang papel dito?
“Maide-describe ko po ‘yung character ko as Meldie, na sa unang tingin as simpleng laundry attendant lang, pero outside the laundry shop, isa po siyang obsessive na babae and ginagamit ko po ang damit ng mga customers to satisfy my sexual needs. In short, baliw,” nakangiting saad ng hot na hot na talent ni Jojo Veloso.
Ano ang pinakamahirap na eksena niya rito?
“I think, pinakamahirap po for me is ‘yung nasa rooftop na scene and ‘yung nasa ilalim ng kama. Medyo natatakot na po kasi ako sa mga ganoong puwesto, kasi madalas akong maaksidente sa set, kaya kinakabahan na ako.
“Pero so far wala naman pong mahirap na scene. It’s just a battle against my own thoughts,” sambit ni Ayanna.
How about ‘yung love scene nila ni Mon Confiado? Challenging ba ‘yun since isa siyang paralyzed dito?
“Well if iisipin po natin siya in my character’s POV, I guess mahirap talaga kasi ‘yung asawa niya is paralyzed tapos may sexual needs pa siya. Pero as for me naman bilang si Ayanna, I think challenging, pero inaalalayan naman po ako ni Direk and ni Kuya Mon sa scene,” nakangiting pakli niya.
Mapapanood ang Bula sa Vivamax ngayong September 2, isang sexy-thriller Vivamax Original Movie na pinagbibidahan nina Ayanna, Gab Lagman, at Rob Guinto. Ito ay kuwento ni Meldie, isang babaeng nagtatrabaho sa laundry shop at namumuhay nang simple kasama ang asawang baldado. Sa unang tingin, sweet at mabait tingnan si Meldie, pero sa likod ng maamo niyang mukha ay isang babaeng mapanlinlang na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya.
May kakaibang fetish si Meldie na isuot ang mga damit ng mga kliyente bilang foreplay na nakapagsa-satisfy ng kanyang sexual fantasies. Magkakagusto rin si Meldie sa guwapong police officer na kliyente niya sa shop, si Jacob (Gab), na may girlfriend namang si Celine (Rob). Kahit may asawa na at alam na may girlfriend si Jacob, gagawa pa rin ng paraan si Meldie para mapalapit siya sa guwapong pulis sa kahit anong paraan na gusto niya.
Mula sa Viva Films at sa direksiyon ni Bobby Bonifacio, Jr., alamin ang iba’t ibang baho at tambak-tambak na sikreto na itinatago ni Meldie. Mag-subscribe sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.