SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
ALIW na aliw kami sa Bula movie ng Viva Films na mapapanood na sa Vivamax sa September 2 at pinagbibidahan nina Ayanna Misola at Gab Lagman. Na-enjoy namin ang mga musical score ng pelikula na akmang-akma sa mga nangyayari sa pelikula.
Aliw talaga ang dating ng mga musikang isinalpak ni Direk Bobby Bonifacio Jr, para talagang umakma sa pelikula.
Ayon sa direktor tatlong original songs ang ginawa pa niya bukod sa kung ilang original songs ang ipinarinig sa pelikula.
Kahanga-hanga rin ang acting ni Ayanna na marami ang nagsabing hindi malayong mapansin at magka-award sa pelikulang ito. May ibubuga naman talaga kasi ang dalaga sa akting hindi lang sa hubaran. At sa sex-drama-comedy-thriller nakipagsabayan siya kay Mon Confiado na gumanap na asawang baldado
Para ngang hindi umaarte si Ayanna na may pagka-eng-eng o baliw ang karakter dahil siguro ‘ika nga niya, medyo baliw siya sa totoong buhay.
Sa Bula asahan na angn iba’t ibang klase ng reaksiyon at emosyon dahil sa baliw-baliwang karakter ni Ayanna. Ang pelikula ay may tema at konseptong patatawanin ka at paiiyakin. Dagdag pa ang nakalolokang twist sa ending.
Ang pelikula ay ukol sa isang sweet at mabait tingnan na si Meldie, pero sa likod ng maamo niyang mukha ay isang babaeng mapanlinlang na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya.
May kakaibang fetish si Meldie na isuot ang mga damit ng mga kliyente bilang foreplay na nakakapag-satisfy ng kanyang sexual fantasies.
Bukod kina Ayanna, Gab, at Mon, kasama rin dito si Rob Guinto na idinirehe ni Bobby Bonifacio Jr.