Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto

Julia kumawala na sa kanyang comfort zone

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NEVER akong makaka-no kay direk Jason.” Ito ang sinambit ni Julia Barretto sa isinagawang media conference para sa pelikulang handog ng Viva Films, ang Expensive Candy na pinagbibidahan nila ni Carlo Aquino at idinirehe ni Jason Paul Laxamana.

Natanong kasi si Julia kung bakit niya tinanggap ang romance film na talagang out of her comfort zone ang karakter na ginagampanan niya. 

Ibang Julia ang makikita sa pelikulang nagpapatunay ng versatility ng Viva Prime Actress dahil gaganap si Julia bilang isang mamahaling hostes sa Angeles City. 

Never akong makaka-no kay direk JP. Kahit ano pa ang ibinigay niya, ipagawa sa akin hindi ako makaka-no riyan. The story is really nice noong nabasa ko iyong script I immediately knew I wanna do, to do it and I feel like I’m already at the point in my life to get out of my comfort zone. So, yeah very much excited to do this,” katwiran ng aktres nang maitanong kung bakit niya tinanggap ang pelikulang ito gayunding ibang-iba ito sa mga nagawa niya.

Sinabi pa ni Julia na,  “I’m so, so, so excited for everybody to see this. It’s [like] nothing that I’ve ever done before. I’d like to believe it’s a coming-of-age film.”   

Sa tanong kung ito bang proyektong ito ang pinaka-daring na nagawa niya, sagot ng aktres, “Yeah I would say ito na so-far ang pinaka-daring na nagawa ko. I don’t know maybe maybe not, but I never want to close (the door) sa mga kahit na ano pang opportunities na dumating sa akin.”

Isang kuwento ng pag-ibig na mahahanap sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon, tungkol kay Renato “Toto” Camaya (Carlo), isang high school teacher na mala-love at first sight kay Candy (Julia) matapos nitong bayaran ang isang gabi para makasama ang dalaga.  Iba ang dating at hindi mawala sa isip ni Toto si Candy, kaya susubukan niyang mapalapit dito at makasama araw-araw, gabi-gabi. Kahit na mahirap at ma-effort, kahit bayaran pa niya ang oras nito. 

Sinabi naman ni Julia na gusto na lamang niyang maging pribado ang ukol sa kanyang private life. “I’ve always very private just recently, with my personal life I think with everything that just happened before I’ve learned to be protective of my personal life so I like to keep that private as much as possible and draw boundary between work and personal life.”

Tunghayan ang tagos-pusong linyahan at kakaibang screen chemistry nina Carlo at Julia, sa una nilang pagtatambal sa Expensive Candy. Ang pelikulang ito ay reunion project din nina Jason Paul  at Julia, matapos maging direktor si Laxamana ng pelikula ng aktres sa Between Maybes noong 2019. 

Mula sa Viva Films, subaybayan ang “special” at one-of-a-kind love story nina Candy at Toto na mapapanood na simula September 14, 2022 nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …