Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
e-Sabong
e-Sabong

Kontrolado para hindi ‘nega’ sa lipunan
PROPESYONAL NA E-SABONG, IPATUTUPAD 

INIHAYAG ng grupo ng gamefowl breeders na magiging  propesyonal at kontrolado ang pinakahihintay na pagbabalik ng e-sabong  sa bansa para maibsan ang pangamba ng publiko hinggil sa mga negatibong epekto nito sa lipunan.

Ayon sa tagapangulo ng Gamefowl Affiliates of Pitmasters-Philippines Batangas na si Fermin Solis, ito’y dahil nakikita niyang malaki ang potensiyal ng industriya na lumago.

Aniya, naiintindihan niya na may mga batas na dapat sundin sa komunidad ng pagsasabong, at dapat, aniya, itong masunod upang maipakitang propesyonal ang naturang industriya.

“Lahat naman ng bagay ay tama na mayroon dapat regulasyon, sapagkat tayo ay pumapasailalim sa batas. At maganda na rin naman na bagaman marami ang nakikinabang sa industriya ng [e-sabong]… dapat maipatupad ang tamang regulasyon,” sabi ni Solis sa isang press conference sa Pitmasters Live.

Aniya, dahil sa modernong teknolohiya, lalago pa ang industriya ng e-sabong gamit ang modernong mga pamamaraaan.

“Talagang nakatutulong ang modernong paraan [sa pag-unlad ng industriya ng e-sabong],” sabi niya.

Sinabi ni Solis, malaki ang maitutulong ng pagiging propesyonal ng e-sabong sa mga beterinaryo, feed suppliers, at iba pang industriya dahil makapagbibigay ito ng hanapbuhay at kita sa iba’t ibang tao.

Para kay GAPP Bulacan President Maw Acierto, dapat kontrolado ang paglalagay ng pera sa e-sabong dahil idinisenyo ito upang maging hanapbuhay.

Dagdag niya, dapat magamit sa tama at responsable ang pera upang makitang propesyonal ang mundo ng sabong at hindi lang tulad ng kahit anong sugal.

“Lahat lang po sana ay ilagay lang sa tamang lugar, sa tamang kontrol. Sigurado naman tayong ang GAPP… ay patuloy na mag-i-improvise ‘yan, to continuously professionalize itong ating industriya,” ani Acierto.

Una nang sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na dapat magkaroon ng independent regulator ang e-sabong dahil sa laki ng perang kaakibat nito.

Ilan sa mga regulasyong ipinapanukala ang pagkakaroon ng oras ng paglalaro at kontroladong pusta. Kaakibat din ng patuloy na regulasyon ang pagtaas ng tiwala at kompiyansa ng mga tao sa naturang industriya.

Nasa P640 milyon kada buwan ang kinikita ng gobyerno mula sa e-sabong nitong 2022. Nakalikom ang PAGCOR ng P2.03 bilyon sa unang anim na buwan ng taon, ayon kay PAGCOR Chairman and Chief Executive Andrea Domingo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …