Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola Gab Lagman

Gab nabigla nang hablutin ni Ayanna ang suot na brief 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SWEET at mabait. Ito ang personalidad ni Ayanna Misola pero may kaunting kapilyahan.  

Nabuking ang kapilyahan ni Ayanna nang ipagtapat ni Gab Lagman, leading man nila ni Rob Guinto sa pelikulang Bula ng Vivamax na mapapanood na sa September 2 at idinirehe ni Bobby Bonifacio, Jr..

Ayon kay Gab, bigla siyang hinubaran ni Ayanna sa isang sexy scene nila nito. Bagamat nagpapa-sexy si Gab may limitasyon ito na hindi aware si Ayanna.

Kaya naman laging gulat ng mga nasa produksiyon nang walang kaabog-abog na tinanggalan ng saplot ni Ayanna ang kapareha. Kaya agad itong nag-sorry sa binata. 

Kuwento ni Ayanna sa isinagawang Bula mediacon, habang kinukunan ang love scene nila ni Gab, tinanggal niya ang suot na underwear nito.

Sabi naman ni Gab, “Before ‘yung scene na ‘yun, naka-brief lang ako tapos tinanggal nga ni Ayanna. Pero nag-plaster na po ako just in case.

“Sinasabi ko naman kay Direk, para mas gumanda ‘yung scene, sabi ko, okay lang na tanggalin ko na kasi nadadaya.

“Noong natanggal naman ni Ayanna, itinuloy ko na lang. Nagulat din ako pero itinuloy ko na.”

Esplika ni Gab, “If I wanted to do a sexy film, gusto ko kasi na komportable ako at gusto ko talaga ‘yung story.

“Sobrang perfect ang ‘Bula,’ it’s probably one of the pinakamagaan na set na naka-work ko, especially with Direk and the cast.

“Parang hindi kami nagtatrabaho. Parang ang gaan ng set lagi. Nag-meeting pa kami ni Direk nang one-on-one and pinag-usapan namin ‘yung magiging scenes.

“Sinabi ko naman ‘yung mga limitation ko and nag-go naman siya. Pagdating sa set, sobrang komportable ako. Sobrang nae-excite akong mapanood kasi alam kong maganda ‘yung movie.”

Ngayong September na mapapanood ang sexy-thriller na Bula na nagtatampok din kay Mon Confiado.

Ang Bula ay kuwento ni Meldie (Ayanna), isang babaeng nagtatrabaho sa laundry shop at namumuhay ng simple kasama ang asawang baldado (Mon Confiado). Sa unang tingin, sweet at mabait tingnan si Meldie, pero sa likod ng maamo niyang mukha ay isang babaeng mapanlinlang na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya.

May kakaiba ring fetish si Meldie na isuot ang mga damit ng mga kliyente bilang foreplay na nakapagpapa-satisfy ng kanyang mga sexual fantasy.

Magkakagusto si Meldie sa isang gwapong police officer na kliyente niya sa shop, si Jacob (Gab), na may girlfriend namang si Celine (Rob). Kahit na may asawa na at alam na may girlfriend si Jacob, gagawa pa rin ng paraan si Meldie para mapalapit siya sa gwapong pulis sa kahit anong paraan na gusto niya.

Alamin ang iba’t ibang baho at tambak-tambak na sikreto na itinatago ni Meldie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …