Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raymond Bagatsing Janelle Tee Ava Mendez The Escort Wife

Raymond ‘napalaban’ kina Janelle at Ava — It was never a choice na bumalik sa sexy scenes 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI nakaligtas ang magaling na aktor na si Raymond Bagatsing na hindi magpakita ng kaseksihan sa bagong handog ng Viva Films sa Vivamax, ang The Escort Wife na idinirehe ni  Paul Basinillo at mapapanood na sa September 16.

Napalaban si Raymond sa mga palabang leading ladies niyang sina Janelle Tee at Ava Mendez. Pero in fairness, yummy pa rin ang aktor kahit sabihing 50 plus na ito at tiyak na pagnanasaan pa rin ng mga makakapanood.

“I think it was never a choice for me to bumalik sa, quote unquote, sexy scenes. I think it was just part of being an actor.

“Those scenes are part of a movie that was offered to me, that I liked the script, so it happened na may mga love scene, sex scene.

“I don’t really just see it as a sexy movie. I think it’s a masterpiece, written by Yam Laranas and directed by Paul Basinillo, and I believe well-acted by everyone in the cast,” paliwanag ni Raymond sa virtual mediacon ng The Escort Wife.

Itinuruing namang wildest adventure ni Raymond iyong mga baring scene sa mga lovescene. 

“I suppose ‘yung mga baring scene sa mga love scene, ‘yun ang wildest. It’s not easy to do kasi to bare, to be naked in front of the camera, siyempre, the crew, the director, and your co-actors.

“It takes a lot of focus, concentration na hindi siya makaapekto sa eksena, sa karakter mo. It’s very uncomfortable na mag-plaster tapos pareho kayong nakahubad,” ani Raymond.

Ginagampanan ni Raymond ang karakter ng isang doktor, si Roy na mula sa mayamang pamilya. Hindi nito gaanong binibigyang pansin si Patricia (Janelle).  Hindi magtatagal ay madidiskubre ni Patricia ang kaugnayan nito kay Chrissy (Ava) at hindi niya mapipigilan ang kanyang galit.

Sa kabilang banda, ngayon pa lang ay mainit na ang pagtanggap ng fans ni Janelle   sa pelikulang ito. Maraming positive comments sa Instagram post ng aktres noong July 3 na makikitang nakayakap sa kanya si Raymond. Ganon din ang buhos ng suporta sa solo picture niya bilang Patricia na lumabas sa IG noong July 5.  

Ito ang ikalawang pelikulang idinirehe ni Basinillo matapos ang musical drama movie na Indak. Kilala si direk Paul sa mga concerts at TV series na idinirehe niya sa ilalim ng Viva.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …