Friday , November 15 2024
Sa Sariaya, Quezon LALAKING DINUKOT NATAGPUANG PATAY

Sa Sariaya, Quezon
LALAKING DINUKOT NATAGPUANG PATAY

WALANG BUHAY nang matagpuan sa gilid ng  Eco-Tourism Road sa Sitio Pontor, Brgy. Bignay 2, Sariaya, Quezon ang lalaking dinukot ng mga armadong kalalakihan sa isang gasolinahan sa Bypass Road sa Taal, Batangas nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa ulat ng Sariaya police, dakong 6:50 am nitong Huwebes nang makita ng isang nagdaraan sa lugar ang bangkay na nakatali ang dalawang kamay at nababalot ng packaging tape ang buong ulo.

Kinilala ng kanyang mga kaanak ang bangkay na si Eugene Beltran Del Rosario, residente sa Lemery, Batangas, na nakunan ng CCTV camera ng gasolinahan ang pagdukot.

Sa kuha ng CCTV sa gas station sa Taal noong Martes ng gabi, makikita na naglalakad ang biktima patungo sa gasolinahan nang dumating ang dalawang AUV van at nagsibabaan ang halos walong armadong lalaki at sapilitang isinasakay sa isa sa mga van ang nagsisisigaw at humihingi ng tulong na biktima saka magkasunod na umalis.

Sinabi ng asawa ng biktima na si Jane Cabello, galing Maynila ang asawa niya na isang dating delivery rider at kabababa ng bus at papauwi sa kanilang bahay sa Lemery nang mangyari ang pagdukot.

Ayon kay Sariaya police chief. P/Lt. Col. William Angway Jr., may tama ng  bala sa ulo at sa likod ang biktima nang matagpuan sa gilid ng highway, nasa 71 kilometro ang layo mula sa lugar na pinagdukutan sa biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na hindi doon pinatay ang biktima kundi sa ibang lugar saka itinapon doon.

Patuloy ang imbestigasyon para alamin ang motibo sa krimen at kung sino ang mga dumukot sa biktima. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …