Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Princess Marie Dumantay Gaspar Maneja Jr

Ginahasa, pinaslang  
SUSPEK SA 15-ANYOS DALAGITANG BIKER NASAKOTE SA BICOL 

ISANG notoryus na child abuser at nahaharap sa kasong rape ang suspek sa panggagahasa at pagpaslang sa 15-anyos dalagitang biker na ilang araw nawala saka natagpuang patay sa isang madamong lugar sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson P/Col. Jean Fajardo, ang suspek isang Gaspar Maneja Jr., alyas Jose Francisco Santos, ay nadakip sa Brgy. Veneracion, sa bayan ng Pamplona sa Camarines Sur, ng mga operatiba ng Police Regional Office 5 Criminal Investigation and Detection Group kasama ang Bulacan law enforcers nitong Huwebes ng umaga.

“Base sa report sa atin ng CIDG, hindi nag-resist ‘yung suspect at sumama po nang maayos sa mga pulis na nag-serve ng warrants of arrest,” ani Fajardo.

“Base po ‘yan sa ginawa nating record check sa LTO, lumabas nga po na ang registered owner po nitong kotse, kung saan nakita na sumakay ang biktima ay na-trace po natin sa Bicol, particularly sa Pamplona, Camarines Sur. Nakipag-ugnayan po ‘yung pulis natin mismo doon sa registered owner at kinompirma po niya na dati po niyang sasakyan ‘yun at ipinasa niya sa suspek na kanyang kuya at binigay po niya rin ‘yung totoong pangalan,” saad ni Fajardo.

“Lumalabas ‘yung ibinibigay niyang pangalan na Jose Francisco ay hindi pala niya totoong pangalan… Upon verification dun sa mga e-warrant natin, lumabas na mayroon siyang 3 previous cases relating to rape at saka 2 violation ng Republic Act 7610, which is child abuse,” dagdag nni Fajardo.

Ang biktima ayon sa kanyang mga kaibigan ay mahilig magbisikleta at kilala sa local cycling community, ngunit natagpuang bangkay sa madamong lugar sa Barangay Bonga Menor, Bustos mitong Biyernes.

Ayon sa ilang saksi, huling nakita ang biktima na naksakay sa kotse ng biktima nitong 10 Agosto, dagdag ni Fajardo.

“‘Yung sasakyan, positively identified po iyon no’ng mga kakilala, maging ng mga vendor po roon sa area kung saan po madalas na nagba-bike po ‘yung biktima dahil bago pa man daw po nakilala ng biktima itong suspek ay madalas na pong nakikitang naka-stand by doon ‘yung suspek gamit itong sasakyan. Sila rin po ang nagbigay ng plate number no’ng sasakyan na gamit po ng suspek kaya nagkaroon ng pagkakataon na maipa-verify sa LTO,” kuwento ng opisyal.

Natagpuang maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at pinaniniwalaang minolestiya.

“Ang cause of death po ng biktima ay hemorrage po as a result po of multiple injuries in the head, at meron din pong nakita na mga fresh laceration sa ari po ng biktima na lumalabas po na minolestya muna po… bago pinatay,” ani Fajardo.

“Base po sa official findings, may ligature marks po ang bata doon sa kaniyang leeg. Meron din siyang mga bruises and abrasion dito po … sa kanyang batok and meron din nakitang mga signs of burn dito po sa kanyang kanang kamay po,” dagdag ni Fajardo.

Kinompirma ng tagapagsalita ng PNP na si Maneja ay sinampahan ng kasong rape with homicide. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …