Tuesday , December 24 2024
Bongbong Marcos BBM Sugar

150,000 MT asukal pinaboran ni FM Jr para angkatin 

PUMAYAG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mag-angkat ng 150,000 metriko toneladang (MT) asukal.

Ito umano ang napagkasunduan sa ginanap na pulong nina FM Jr., Senate President Juan Miguel Zubiri, at mga kinatawan ng sugar industry sa Malacañang kamakalawa, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Ngunit wala pang itinakdang petsa kung kailan magaganap ang sugar importation.

Nauna rito’y ibinasura ni FM Jr., ang Sugar Order No. 4 na nagtatakdang mag-angkat ng 300,000 MT asukal.

Matapos ibasura ni FM Jr., ang Sugar Order No. 4, nagbitiw ang apat na opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) at iniimbestigahan ng Palasyo at Kongreso ang usapin.

Kaugnay nito, sinalakay ng mga ahente ng Bureau of Customs (BoC) ang dalawang bodega na pagmamay-ari ni Victor Chua.

Natuklasan ng mga awtoridad ang may 25,000 hanggang 30,000 sako ng iba’t ibang klase ng asukal na ayon kay Chua ay ‘locally purchased.”

Binigyan si Chua ng 15 araw para makapagpresinta ng mga kaukulang dokumento at iba pang ebidensiya upang hindi sampahan ng kaso at hindi makompiska ng pamahalaan ang  asukal sa kanyang mga bodega.

Nauna rito’y, sinalakay rin ng BoC ang isang bodega sa Lison Building upang beripikahin ang matagal nang sumbong sa kanila na iniimbakan ito ng smuggled sugar mula sa Thailand.

“The initial report reaching the BoC concluded that the sacks of sugar ‘appeared old and dusty’ evidenced of its prolonged storage/hoarding (presumably) to dictate the market prices of sugar,” ayon sa kalatas ng Office of the Press Secretary (OPS).

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …