Monday , December 23 2024
Princess Marie Dumantay

Suspek sa pagpatay sa dalagitang biker kinilala na

SA pagpapatuloy ng imbestigasyon sa pagpatay sa dalagitang biker na si Princess Marie Dumantay, 15 anyos, Grade 9 student ng Grace Ville National High School at residente ng Block 19 Lot 32 Phase 6A Grace Ville, Tower Ville, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nagkaroon na ng lead ang mga awtoridad sa kaso nitong Miyerkoles, 17 Agosto.

Natagpuan ang bangkay ni Princess Marie na nakadapa sa masukal na damuhan sa Bypass Road, Brgy. Bonga Menor, Bustos, Bulacan nitong 12 Agosto.

Sa pag-usad ng imbestigasyon, nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Bustos MPS sa pamumuno ni P/Maj. Leopoldo Estorque sa Quezon City Police District upang matukoy ang kinaroroonan ng isang Jose Francisco Santos na sinasabing huling nakitang kasama ng biktima bago nawala.

Nakipag-usap ang grupo kay Jomer Maneja, ang nakarehistrong may-ari ng Toyota Wigo na may plakang EAE 2913 na sinakyan ni Jose Francisco Santos at ayon sa kanyang sinumpaang salaysay na notaryado ni Atty. Michael Marpuri, sinabi niyang ang naturang sasakyan ay wala na sa kanyang pag-aari simula Agosto 2021 at nakipagkasundo sa kanyang nakatatandang kapatid na si Gaspar Maneja dahil hindi na niya kayang hulugan ang financing monthly amortization nito.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, napag-alamang si Gaspar Maneja ay si Jose Francisco Santos rin at may nakabimbing mga kaso sa hukuman.

Sinampahan na ng kasong Rape (RA 8353) with Homicide at Presidential Decree No.83 (Using Fictitious Name and Concealing True Name) Article 178 of RPC sa Office of the Provincial Prosecutors sa Malolos City, Bulacan sa ilalim ni Senior Assistant Provincial Prosecutor Catherine E. Rutor Reyes. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …