Tuesday , April 29 2025
Bongbong Marcos BBM Manila

Manila vendors nagpapasaklolo kay FM Jr.

NAGPAPASAKLOLO kay Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos ang mga vendor sa Maynila upang muling makapagtinda nang maayos para matustusan ang mga pangangailangan ng kani-kanilang mga pamilya.

Ayon kay Emannuel Plaza, Chairman ng Para-legal ng Divisoria Public Market Cooperative hindi na makatarungan ang ginagawang pagtrato sa kanila sa lungsod ng Maynila.

Hindi umano sila binibigyan ng business permit hangga’t hindi pumipirma ng kontrata mula sa Festina Holding Corporation na siyang bumili ng Divisoria Public Market.

Bukod dito, sinabi ni Plaza, umabot na sa 200 stalls sa Divisoria Public Market ang ipinasara kasunod ang pagwe-welding ng mga stall.

Dahilan upang hindi makuha ng mga vendor ang kanilang paninda sa puwesto.

Magugunitang ang naturang grupo ang nagsampa ng kasong plunder  sa tanggapan ng Ombudsman laban kay dating Manila Mayor Isko Moreno, dating Vice Mayor at kasalukuyang Manila Mayor Honey Lacuna at sa iba pang mga opisyal ng nakaraang administrasyin ganoon din kay George Chua, kinatawan ng kompanyang bumili ng Divisoria Public Market.

Kaugnay nito maging ang mga manininda sa Recto-Divisoria at Quiapo ay umaangal  sa hindi tamang pagtrato sa kanila sa kabila ng pagpupumiliy nilang mamuhay at maghanapbuhay  nang marangal.

Nagtataka si Aling Baby Magno, isa sa maninida sa Quiapo-Carriedo kung bakit simula noong nakaraan hanggang sa kasalukyyang adminitrasyon ay hindi sila bibinigyan ng permit gayong dati naman ay innisyuhan sila.

Maging si Rose Mendez Aguilar, nagtitinda sa Recto-Divisoria ay nagtataka kung bakit hindi sila bigyan ng maayos na lugar na pagtitindahan gayong ang ilang mga lugar sa kamaynilaan ay binibigyan ng puwang ang mga parking space sa kalsada.

Aminado sina Magno at Aguilar, sobrang baon na sila utang dahil hindi na sila nakapagtitinda nang maayos sa kasalukuyan at tuwing sila naman ay magtitinda ay palagiang walang pakundangang kinukuha ang kanilang mga paninda.

Kuwento ni Aguilar, isang beses ay halos nasa halagang P50,000 hanggang P80,000 ang halaga ng iba’t ibang prutas ang nakuha sa kanila ng mga tauhan ni P/Major Kerwin Evangelista.

Ipinagtataka din ng mga manininda kung bakit tila basura ang tingin sa kanila ng adminitrasyon.

Dahil dito sama-sama silang nanawagan kay Pangulong Marcos, Senadora Imee Marcos at dating unang ginang Imelda Marcos na tulungan sila sa kanilang problema.

Nais din nilang papanagutin ng pamahalaan ang mga taong umabuso sa kanilang kapangyarihan at lumabag sa mga Karapatan nila bilang mga manininda.   (Niño Aclan)

About hataw tabloid

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …