Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

 “Ituro at ikuwento sa ating mga anak ang mayamang kasaysayan ng Bulacan.” – Sen. Villanueva

HINIKAYAT ni Senate Majority Floor Leader Senator Joel Villanueva ang mga Bulakenyo na ipasa sa susunod na henerasyon ang mayamang kasaysayan ng lalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng pagtalakay sa paksa tungkol dito sa mga hapag-kainan sa ginanap na Ika-444 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bulacan sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes, 15 Agosto.

Sa kanyang talumpati sa harap ng libu-libong taong dumalo sa pagtitipon, nagbigay siya ng tatlong punto upang maalala kung paanong ipagpapatuloy ang legasiya ng pagiging Bulakenyo kabilang ang pagpapatingkad sa diwang Bulakenyo sa kabila ng patuloy na modernisasyon ng lipunan; pagbibigay-diin sa kontribusyon ng Bulacan sa kasaysayan; at lalong pagpapalawak ng papel ng Bulacan sa pagbuo ng bansa.

“May dugong nananalaytay sa bawat isa sa atin na dugo ng bayani. Nananalaytay po sa atin ang kabayanihan na ipinamana at nahuhulma sa atin. Kaya naniniwala po ako na mananatiling magiting ang lalawigan ng Bulacan sa susunod pang isang daang taon at apat na daang taon,” anang Senador.

Gayundin, hinikayat ni Gobernador Daniel Fernando ang lahat ng Bulakenyo lalo na ang mga kabataan na kilalanin ang lalawigan at protektahan ito kung paanong pinangalagaan ito ng mga ninunong Bulakenyo.

“Nasa atin ang oportunidad na himukin ang ating mga kababayan lalo na ang mga kabataan na mahalin ang ating lalawigan at mag-alay ng talino at lakas para sa Inang Bayan. Ito ang tunay na kabuluhan ng araw ng pagkakatatag ng ating lalawigan,”  pahayag ng Gobernador.

Nag-alay ng sandaling katahimikan si Bise Gob. Alexis Castro upang alalahanin ang pagkamakabayan ng mga naunang Bulakenyo na nagbahagi ng kanilang abilidad para sa lalawigan.

“Wala po tayong malinaw na larawan kung paanong ang Bulacan ay nagsimula, ang naiwan po sa atin ay ang mga bakas ng kasaysayan na sa araw-araw nating pamumuhay ay ating nakikita – mga kaugalian, tradisyon, pananalita, pakikipag-kapwa, pananampalataya. Bunga ang mga ito ng mga binhing ipinunla ng mga nauna sa atin,” ani Castro.

Matapos ang programa sa gymnasium, nagtungo sina Villanueva, Fernando, Castro at iba pang lokal na opisyal ng lalawigan sa gusali ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center upang hawiin ang tabing sa panandang pamana na sumisimbolo sa Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag nito. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …