Thursday , May 15 2025
shabu

P.340-M droga kompiskado sa 5 miyembro ng criminal group

ARESTADO ang limang hinihinalang miyembro ng Randy Domingo Crime Group sa ikinasang buy bust operation ng Provincial Intelligence Unit sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 14 Agosto 2022.

Sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU), kinilala ang mga suspek na sina Reden delas Armas, alyas Den-Den, Catherine Niegas, alyas Cathy, Benjie Poliquit, Armin Diaz, at Bernie Doria, pawang mga hinihinalang tulak ng ilegal na droga.

Dakong 2:00 am kamakalawa nang madakip ang mga suspek sa isinagawang drug buy bust operation ng mga awtoridad sa #13 Lambak, Brgy., Guitnang Bayan ll, sa nabanggit na bayan.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na ang mga suspek ay sangkot sa gun for hire, gun running at pagbebenta ng ilegal na droga.

Agad nakipag-ugnayan sa PDEA ang Rizal PIU na nagresulta sa pagkakahuli ng limang suspek.

Nakompiska mula sa mga suspek ang 15 transparent plastic sachets ng shabu na may timbang na 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P340,000, at mga shabu paraphernalia. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …