Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval

Baril mas gustong hawakan  <br> AJ GRADWEYT NA SA PAGPAPA-SEXY 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKITA namin ang kasiyahan kay AJ Raval sa media conference ng pinakabago niyang project sa Vivamax, ang Sitio Diablo, isang sexy-action film, dahil isa ito sa matagal na niyang pinakahihintay na magawa. Kaya naman nasabi rin nitong wala siyang pagsisisi na hindi niya tinanggap ang Scorpio Nights 3 na siya dapat ang magbibida bago siChristine Bermas.

Ang Sitio Diablo ay mapapanood sa Agosto 26 at idinirehe ni Roman Perez Jr.. Kasama rito sina Kiko Estrada, Benz Sangalang, Joko Diaz, Azi Acosta, Pio Balbuena, Cean Jr, Because, Just Hush, Massimo Scofield, Karl Aquino, at Ace Raval.

Matagal nang naikukuwento ni AJ na dream niya ang magkaroon ng action film at mas natuwa pa siya nang malamang kasama niya sa movie ang mga hip-hop artist na sina Pio, Cean Jr., Just Hush, Because, at ang kapatid niyang si Ace.

“Sobrang gaan po ng loob ko sa mga rapper, eh, sa mga hip-hop. Nature na po sa akin ‘yan, eh. Kasi ‘yung kuya (Ace) ko rin po, nagra-rap.

“At saka siyempre kay Direk Roman, wala po akong tatanggihan kay Direk Roman,” ani AJ.

Excited na pagbabahagi ni AJ, “Okay po ako sa mga action scene na ginawa ko rito. At saka gusto ko po talagang i-push na maging ation star.

“Bata pa lang po kasi ako tinuturuan na po akong mag-aksiyon, eh. Tinuturuan niya (Jeric) akong sumipa nang mataas.

“Siya (Jeric) rin po ang unang beses na nagpahawak sa akin ng baril, ‘yung mga ganoong bagay. Tinuturuan po niya ako nang tamang pag-handle ng baril, ng mga knife.   

“At nasabi ko naman po before na talagang dream ko ang mag-action. Nag-i-start pa lang po ako sa showbiz, dream ko na so, happy naman po ako na nakagawa kami ng ganitong klase ng pelikula,” esplika pa ni AJ.

Ukol naman sa pagtanggi sa Scorpio Nights 3, ikinatwiran ng sexy star na gusto na niyang gumradweyt sa mga sobra at matitinding seksing pelikula.

“Tapos na rin po siguro ako sa phase na ganoon na nag-i-start po talaga, nagse-sexy. Siguro, time na rin naman po para magbigay po sa iba,” ani AJ.

“Maganda na rin po na napunta kay Christine ‘yon, na ipinalit sa akin. Happy naman po ako na sa kanya napunta ‘yung project.

Bagamat action movie ang Sitio Diablo, hindi pa rin mawawala ang love scenes kaya inamin ng anak ni Jeric Raval na naging challenge din sa kanya ang maiinit na intimate scenes nila ni Kiko na first time niyang nakatrabaho.

“’Yung love scene po namin ni Kiko kasi umabot po kami sa point na napaso po ako ng sigarilyo. Nagkaroon po ako ng mga pasa sa katawan kasi first time po yata ni Kiko na makipag-love scene nang ganoon,” ani AJ.

Samantala, naikuwento ni Direk Roman na nagkagulo sa Baseco at Smokey Mountain sa Tondo nang mag-shoot sila roon.

“Nagkagulo ang buong Baseco at saka Smokey Mountain. Guguho talaga ‘yung Smokey Mountain kapag nakita nila si AJ. Sobrang hirap.

“Mga 2,000 tao ang humarap sa amin. Hindi namin mga kilala. Mga batang hubo’t-hubad, mga basurero, mga mangangalakal,” sambit pa ni Direk Roman.

Sa kabilang banda, ang Sitio Diablo ay isang lugar na madalas ang riot at iba’t ibang kaguluhan. Lugar na walang katapusan ang problema, pati trahedya. Kaliwa’t kanan ang gang wars at iba’t ibang klase ng krimen, ito ang araw-araw na buhay sa Sitio Diablo, ang buhay na kinasanayan na ni Aina (AJ). Galing sa pamilya ng mga gang leaders, kaya hindi na bago sa kanya na kumita ng pera galing sa pagnanakaw, droga, mga ilegal na armas, pati na ang pagpatay.  Malaking impluwensiya sa kanya ang yumao niyang ama at nakulong na kapatid na si Tonix (Benz), na naging mga leader ng Los Hijos Diablos, ang pinaka-notorious at kinatatakutang gang sa kanilang lugar. 

Matapos makulong ni Tonix, umalis ang ibang miyembro ng Los Hijos Diablos na naging dahilan sa tuluyang pagbagsak ng grupo. Dahil dito, magkakaroon ng mga bagong gang na may malalakas at kilalang miyembro, isa na rito ang gang ng Illustrado, na lider ang kinakasama ni Aina na si Bullet (Kiko). Magkasama nilang pamumunuan ang Illustrado gang at magiging parang hari at reyna sa Sitio Diablo.   

Sa Sitio Diablo, patutunayan  ni AJ kung bakit siya ang most sought-after sexy actress mula sa mga top-rated niyang Vivamax Originals kagaya ng Paglaki ko, Gusto Ko Maging Pornstar, Crush kong Curly, Death of a Girlfriend, Kaliwaan, Taya, Hugas, at Iskandalo

Ang Sitio Diablo ay mapapanood na exclusively sa Vivamax sa August 26, 2022. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …