Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Ang Probinsyano

Police Major Ricardo Dalisay, Signing Off
COCO SALUDO SA MGA NAKASAMA AT NAKATRABAHO SA FPJAP

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NASA Batangas ako noong Sabado para sa 70th birthday ng aking tito, si Boy Valdez, pero ang usapan, ukol sa pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano. No 1 fan kasi ang tito ko sampu ng mga kamag-anak na bisita noong hapong iyong. Anila grabe ang mga tagpo sa ending at talagang nalungkot sila sa pagtatapos ng action serye ni Coco Martin at tila hindi pa sila komporme sa pagtatapos nito.

Sabi ng isa kong pinsan, naiyak siya ilang tagpo sa AP lalo na iyong ginawang pagpapahirap kay Jerome (John Prats). Sinabi pa niyang sobra siyang humanga kay Coco na bukod sa artista na, director pa at creative consultant ng FPJAP

Samantala, sinaluduhan ni Coco ang mga nakasama at nakatrabaho niya sa FPJ’s Ang Probinsyano sa loob ng pitong taon. Marami rin ang nagpasalamat kay Coco dahil maraming artista ang matagal nang hindi napapanood na naibalik niya para makasama sa kanyang action-serye.

Anang mensahe ng Teleserye KingSaludo ako sa inyong lahat!”  

Sa pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano isang madamdaming mensahe ang ipinaabot ni Coco sa netizens kasabay ng pamamaalam bilang si Cardo Dalisay. Ipinaabot niya ang pasasalamat sa pamamagitan ng kanyang Instagram.

“Maraming Salamat, Panginoon sa pitong taon na trabaho na ibinigay nyo sa amin, Napakarami pong buhay at pamilya ang natulungan dahil sa aming programa.

“Sa aking pamilya na nakasama ko sa loob ng pitong taon, sa lahat ng artista, directors, writers, staff/crew, cameramen, drone, art department, audio men, lighting directors, fight directors, stuntmen, talents, sa lahat ng bumubuo ng programa namin, @dreamscapeph family, sobra kong saya at proud na naka buo tayo ng isang samahan at magandang proyekto na hinding hindi ko malilimutan.

“Maraming maraming Salamat sa dedikasyon at tiwala na ibinigay nyo para mapaganda ang programa natin! Saludo ako sa inyong lahat!” pagbabahagi ng aktor.

Nabanggit din niya ang Action King na si Fernando Poe, Jr. na siyang unang nagbigay-buhay sa pelikula ng kuwento ni Cardo Dalisay.

“Taos pusong pasasalamat po kay FPJ, sa aking Lola Susan (Roces), Ate Grace (Poe) sa tiwala na ibinigay niyo sa amin para magawa ang FPJ’s Ang Probinsyano.

“Sa ABS-CBN, Maraming Salamat po sa oportunidad at trabahong ipinagkatiwala nyo sa amin, sa aming mga Bosses: Tita Cory, Sir Carlo, Sir Mark, Sir Deo at sa lahat po ng bumubuo ng aming programa.”  

Nagpaabot din ng mensahe si Coco sa lahat ng manonood na nakasama nila sa loob ng pitong taon na gabi-gabing nakatutok sa kanila. 

“Mga Ka-Probinsyano, kayo po ang nagsisilbing inspirasyon sa aming trabaho. Kaya po palagi namin pinagbubuti at pinapaganda ang bawat episode para matumbasan po namin ang pagmamahal at suporta na ibinibigay niyo. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

“Muli, Walang Hanggang Pasasalamat po sa inyo at mahal na mahal na mahal ko po kayong lahat! Salamat hanggang sa muli nating laban!

“Police Major Ricardo Dalisay, Signing Off.” 

Umabot sa  546,543 concurrent viewers ang tumutok sa “Pambansang Pagtatapos” sa Kapamilya Online Live sa YouTube ng AP at trending topic sa Twitter ang mga hashtag #FPJsAngProbinsyano at #FPJAP7MissionAccomplished.

Sa bumubuo ng FPJ’s Ang Probinsyano, congratulations sa inyong lahat at maraming salamat sa gabi-gabing pagbibigay-aliw sa maraming ka-netizens.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …