Monday , December 23 2024
Chito Roño Jane de Leon Darna

Matagal nang gustong gawin
DIREK CHITO RONO FAN NG DARNA 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWA ang inamin ng magaling na direktor na si Chito Rono, fan siya ng Darna. Kaya naman talagang inasam niyang maidirehe ito.

Sa isinagawang media conference kamakailan ipinagtapat ng award-winning filmmaker na isa siya sa mga mga Filipinong sumubaybay sa kuwento ni Darna noong magsimula itong lumipad sa mga pahina ng komiks.

Hindi pa nga ito ginagawang pelikula ay fan na na siya ng ginawang superhero ni Mars Ravelo.

“Talagang fan ako ng Darna kahit noong komiks pa. Lahat kami nagbabasa ng komiks,” saad ng direktor.

“Bago pa isinapelikula ni Vilma (Santos) ‘yung pelikula, nabasa ko na sa komiks. Kami ng lola ko, laging magkatabi nagbabasa ng komiks. Kaya nga matagal ko nang gustong gawin ang ‘Darna’  kaya yes agad ang sagot ko nang i-offer ito sa akin,” sabi pa ng direktor na bukod sa Darna ay madalas ding basahin ang mga iba pang gawa ni Ravelo.

Si Roño ang direktor ngayon ng pinakabagong TV version ng Darna na pinagbibidahan  ni Jane de Leon kasama sina Iza Calzado, Janella Salvador, Zaijian Jaranilla, at Joshua Garcia.

Mapapanood na ang Darna simula ngayong araw, Lunes, August 15, sa Kapamilya Channel, TV5, at A2Z.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …