Friday , November 15 2024
ombudsman

Asunto vs Angono ex-mayor absuwelto sa Ombudsman

IBINASURA ng Ombudsman ang kasong graft, grave misconduct, at abuse of authority sa dating alkalde ng Angono, Rizal dahil sa paggamit ng lupang nasa pampang ng Laguna de Bay.

Sa siyam na pahinang resolusyon, ipinawalang-sala ng Ombudsman ang inihaing kaso laban kay dating Angono Mayor Gerardo Calderon kaugnay sa pagpapatayo ng isang pasyalan sa lupang inaangkin ng isang Cecilia Del Castillo.

Giit ni Del Castillo sa kanyang reklamong Graft, Grave Misconduct, at Abuse of Authority, sinakop at ginamit nang walang pahintulot ng pamahalaang bayan ng Angono (na noon ay pinamumunuan ni Calderon) ang lupaing titulado sa kanilang pamilya.

Gayonman, inilinaw ng Ombudsman, hindi kailanman puwedeng ariin ng pribadong interes ang bahagi ng “40-metrong easement” sa dalampasigan ng Laguna De Bay.

Anila, malinaw ang probisyon sa ilalim ng Batas Pambansa 1067 na nagkabisa Disyembre 1976 – sa ilalim ng noon ay Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Sa ilalim ng naturang batas, nagtatakda ng 40-meter easement para sa mga lupa sa paligid ng dagat, laot, at lawa, habang 20-metro sa magkabilang dalampasigan ng mga ilog, sapa, at estero.

Batay sa naturang kautusan, tanging ang gobyerno lamang ang may karapatang gumamit sa mga itinakdang easement para sa mga programa at proyektong hindi magdudulot ng prehuwisyo sa kalikasan.

Sa rekord ng Ombudsman, nag-ugat ang kaso laban kay Calderon makaraang simulan ng pamahalaang bayan ng Angono noong taong 2017 ang pagpapatayo ng isang libreng pasyalang kilala ngayon bilang “Angono Lakeside Eco-Park” sa Brgy. San Vicente na dinarayo ng mga turista sa naturang bayan.

Giit ng nagreklamo, pasok sa kanilang titulo ng lupa ang pinagtayuan ng libreng pasyalan ngunit nang suriin ang technical description ng titulo, lumalabas na labas sa kanyang pag-aari ang inaangking dalampasigan.

Sinabi ni Del Castillo, pinasok ng mga informal settler ang kanyang lupa sa pahintulot ng alkalde ngunit lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na ibinenta umano sa mga inakusahang informal settler ng caretaker ni Castillo ang kinatitirikang lupa ng kanilang mga bahay. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …