UMABOT na sa 17, 900,833 ang naitala na nagparehistrong mag-aaral Mula July 25 para sa Agosto 22 o takdang opening ng face 2 face clases.
Base ito sa hauling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa 2022-2023 school year.
Ayon sa Department of Education (DepEd), pinalamatami ang nakapagtala sa Calabarzon lV-A na Umabot sa 2,604,227 sumunod umano ang Region lll na nasa 2,046,017 at National Capital R gion (NCR) na may 2,020,134.
Dagdag ng kagawaran, magpapatuloy ang enrollment hanggang sa araw ng f2f clases sa August 22 ng taon.
Sa inilabas na klasipikasyon na inilabas ng DepEd, mayroong umanong tatlong pamamaraan sa pagpapatala : in-person, remote at dropbox enrollment.
Dagdag pa umano dito ang Alternative Learning System (ALS) learners ay maaari na din umanong magpatala nang in-person o digital.
Samantala sinabi ni Atty. Michael Poa, taga pagsalita ng DepEd, target nila ang 28 million enrollees sa mga pampubliko at pribadong paaaralan. (EDWIN MORENO)