Friday , November 15 2024
bugbog beaten

Kinuyog ng 5 katao
16-ANYOS BINATILYO TODAS

BINAWIAN ng buhay ang isang binatilyo matapos pagsasaksakin at pagnakawan ng limang suspek sa Brgy. Bulacao, sa lungsod ng Cebu, noong Sabado ng gabi, 6 Agosto.

Nadakip ang tatlong indibidwal na pinaniniwalanag sangkot sa pagkamatay ng biktimang kinilalang si Jerome Estan, 16 anyos, isang Grade 10 student.

Ayon kay P/Lt. Col. Wilbert Parilla, deputy city director for administration ng Cebu City Police Office, dalawa sa mga suspek ay kapwa 16 anyos, habang ang isa ay 22 anyos.

Samantala, tinutugis pa rin ng mga awtoridad ang dalawang nakatakas na suspek.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado 11:00 pm noong Sabado habang patungo ang biktima sa isang sayawan.

Habang nasa daan, nakasalubong ng biktima ang isang grupo ng mga kabataan na sapilitang kinuha ang kanyang cellphone.

Nang magtangkang lumaban, dito siya sinimulang pagsasaksakin ng mga suspek.

Ani Parilla, sinabi ng mga nadakip na suspek na hindi nila intensiyong pagnakawan ang biktima at kanila lamang siyang pinagtripan dahil sa kalasingan.

Nakatakdang sampahan ng kasong robbery with homicide ang mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …