Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cloe Barreto

Cloe aminadong baliw sa pag-ibig — Walang bawal, bawal!

MA at PA
ni Rommel Placente

SI Sean de Guzman ang bida sa pelikulang The Influencer mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions. Gumaganap siya bilang si Yexel, na isang sikat na influencer.

Kasama sa pelikula si Cloe Barreto bilang si Nina na sobrang in-love at obsessed kay Sean.   

Sa tanong kay Cloe sa mediacon ng nasabing pelikula kung gaano kalapit sa personalidad niya ‘yung papel niya na nababaliw sa pag-ibig, ang sagot niya na  natatawa ay, “Baliw din po talaga ako sa pag-ibig. ‘Pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal! ‘Yun po, medyo malapit din po roon. Pero hindi naman po ako nagtatali. Ha! Ha! Ha! Ha! Ako po ‘yung itinatali, charing! Ha! Ha! Ha!”

Kaya nasabi ni Cloe na hindi siya nagtatali dahil sa The Influencer ay may eksena sila ni  Sean na itinali niya ito dahil sa galit niya rito sa pagiging babaero.

Bago at after gawin ang kanilang lovescenes ay nagkatawanan pa sina Sean at Cloe.

“‘Yung mga nakakakilala sa aming dalawa, alam na sobrang close na talaga kami ni Cloe.

“Sabay na halos kaming lumaki sa management namin. Kaya ayun, before at pagkatapos ng sex scenes, nagtatawanan kami. Ha! Ha! Ha! Ha!,” sabi ni Sean na natatawa.

Sumegunda naman si Cloe sa sinabing ‘yun ni Sean, “Same rin after the sex scene, nagtatawanan pa rin kami. Parang hindi namin inaasahan, hindi kami makapaniwala na kaya naming gawin ‘yun.

“Kasi, ang turing namin sa isa’t isa, magkapatid na talaga. And sobrang professional ng bawat isa kaya lahat, sumasang-ayon.”

Sina Sean at Cloe ay parehong nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Managament ni Len Carrillo.

Masasabi ni Sean na so far, pinaka-daring na film na nagawa niya itong The Influencer.

Mas daring pa sa daring. Malala as in malala talaga. As in ibinigay ko na lang lahat kasi ang ganda ng istorya eh. Kasi hindi mo inaasahan na magiging ganoon ang kalalabasan ng istorya,” sabi pa ni Sean.

Para kay Cloe, pinaka-daring din sa kanya ang naging role niya sa pelikula.

Kung daring ako sa ‘Tahan,’ mas daring ang role ko sa ‘The influencer.’ Malakas lang talaga ang loob ko na gawin ang mga ganoong eksena,” sabi naman ni Cloe.

Ang The Influencer ay mapapanood na simula sa Agosto 12, Biyernes, sa Vivamax. Idinirehe ito ni Louie Ignacio, at mula sa panulat ni Quinn Carrillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …