Naghahanap ka ba ng kasama sa iyong pag-asenso? Nandito ang DiskarTech para sa iyo!
Ang DiskarTech, ay ang unang-una at nag-iisang mobile wallet app sa Taglish na mayroong Cebuano translation.
Ayon kay Lito Villanueva, executive vice president at chief innovation and inclusion officer ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC), ang layunin ng digital banking app ay tulungan ang mga madiskarteng Pilipino upang makamit nito ang pag-asenso at financial security.
“Ang DiskarTech ay inilunsad ng RCBC upang ilapit ang ibat-ibang serbisyo ng bangko sa bawat Pilipino sa pamamaraan simple at sigurado,” dagdag ni Villanueva.
Bukod sa basic banking functions tulad ng cash in and cash out services, money transfer, bills payment, e-load, telemedicine, at insurance, naging official partner ng Social Security System ang DiskarTech sa pagpapadala ng retirement claims ng mga miyembro nito.
Pangunahin sa DiskarTech ang pagbukas ng savings account at mga pang-negosyo loans.
Para mag-register, kailangan lamang mag-submit ng isa lang sa 18 klase ng identification cards. At dahil powered ito ng RCBC, magkakaroon ka ng savings bank account na may kita na 3.25 kada taon.
Kasangga ng Pilipino ang DiskarTech kung nais nilang bumili ng sasakyan, magbukas ng negosyo, o tulong pinansyal para sa kanilang agri-business. Ang mga available na loans sa DiskarTech ay: motorcycle loan, agri-business loan, at negosyo loan—mula P20,000 hanggang P150,000 ang pwedeng hiramin!
Ayon kay Villanueva, asahan din ang pagpunta ng DiskarTech sa iba’t ibang parte ng bansa at iba pa para sa #DiskartehanNatinYan road show, para mas lalong malaman ng mga madiskarteng Pilipino kung paano maging madiskarte sa life.
To learn more about DiskarTech, its services, and its other partnerships and programs, download the DiskarTech app via Google Play or the App Store, or visit the DiskarTech website at diskartech.ph.