Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arron Villaflor

Aaron kinakabahan sa pagsabak sa Vivamax

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NO-NO si Arron Villaflor sa frontal nudity pero totodo siya sa paghuhubad at pagpapaseksi. Ito ang tiniyak ng aktor sa digital mediacom kamakailan para sa kanya ng Viva.

Magiging bahagi na ang dating Kapamilya actor ng Viva Artists Agency kaya asahan na magsusunod-sunod na ang kanyang projects ngayong 2022.

Unang project ni Arron sa Viva ang original Vivamax series na Wag Mong Agawin Ang Akin na makakasama niya sina Angeli Khang, Jamila Obispo, at Felix Roco.

At dahil palaban at nasabak na siya sa Vivamax, natanong ang gwapong aktor  kung kaya ba niyang makipagsabayan sa paghuhubad at pakikipag-love scene na ginagawa ng mga male sexy star ng Viva?

Yes, I’ve seen them and yes, kinakabahan ako kasi bagong mundo ito, but basta kailangan ng story, kung kailangang nakahubad, I’m ready to do it.

“Basta huwag lang frontal, hindi ko kaya. And also, no Boys Love stories kasi I won’t be comfortable doing them,” paglilinaw ni Aaron.

Sinabi rin ni Aaron na wala siyang tampo sa ABS-CBN kung kaya lumipat siya ng obang management. 

“I guess, hindi lang naman ako yung nahiwalay o nawala sa ABS-CBN. Ayoko lang mabakante.

“I am not getting any younger. I’m 32 so sobrang excited ako sa lahat ng projects na puwedeng dumating para sa akin. At ‘yung tampo, never akong nagtampo sa mga nakatrabaho ko,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …