MAGTATAYO ng mala-Alcatraz na pasilidad para sa bilanggong nahatulan sa heinous crimes, gaya ng murder, rape, at drug trafficking.
Ang panukala ay naging ganap na batas matapos ang isang buwan na hindi nilagdaan o hindi ibinalik (veto) sa Kongreso ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Batay sa Republic Act 11928 o Separate Facility for Heinous Crimes Act, ang pasilidad ay itatayo sa isang pook na malayo sa mataong lugar at hindi kasama ng ibang pang bilanggo, na maaaring sa isang kampo military o isang isla.
Layunin nitong maging maluwag ang siksikan nang bilangguan at maiwasan na may maganap pang krimen.
Naging pamoso ang Alcatraz bilang dating maximum security prison sa Alcatraz Island sa San Francisco Bay, sa karagatan ng California.
Kabilang sa high-profile convicts na nakulong sa Alcatraz ay sina Al Capone, pinakasikat na gangster sa American history na pasimuno sa organized crime syndicate sa Chicago at Robert Stroud, isa sa pinakasikat na notorious criminal sa Amerika. (ROSE NOVENARIO)