Tuesday , December 24 2024
Gun Fire

Sa Quezon Province
MAGSASAKA PATAY, 2 IBA PA SUGATAN SA PAMAMARIL 

ISANG 63-anyos magsasaka ang napaslang habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng pamamaril nitong Lunes, 1 Agosto, sa bayan ng San Andres, sa lalawigan ng Quezon.

Sa ulat ng Quezon PPO, agad namatay ang biktimang kinilalang si Bernabe Ebarsabal nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang nakaupo sa veranda ng kanilang bahay sa Brgy. Pansoy dakong 7:00 pm kamakalawa.

Matapos ang insidente, nagtungo ang tatlong lalaking armado ng mga baril sa isang kubo, 15 metro ang layo mula sa bahay ni Ebarsabal, saka binaril si Don Don Argawanon, 34 anyos, at Jurnel Nick Riveral, 55 anyos.

Nakaligtas ang dalawang biktima na dinala sa pampublikong pagamutan sa kalapit na bayan ng San Francisco.

Ayon kay P/SSgt. Aikee Genton, imbestigador ng kaso, pangkaraniwang mga magsasaka lang ang mga biktima at walang anomang record sa kanilang talaan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga suspek at ang motibo sa pamamaslang.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …