Tuesday , December 24 2024
Maguindanao massacre

Pamilya minasaker sa Maguindanao
5-ANYOS NA BATA, MAG-ASAWA PATAY

PATAY ang tatlo katao kabilang ang batang 5-anyos nang paulanan ng bala ang kanilang bahay nitong hatinggabi ng Martes, 2 Agosto, sa bayan ng Mamasapano, lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay P/Maj. Maximiano Gerodias, hepe ng Mamasapano MPS, pinagbabaril ng hindi tukoy na bilang ng mga armadong lalaki ang bahay ng biktimang kinilalang si Abdulkadir Matuwa, 53 anyos, magsasaka, at residente sa Sitio Pamalian, Brgy. Mangungkaling, sa nabanggit na bayan.

Binawian ng buhay sa insidente si Abdulkadir, asawa niyang si Zahera, 32 anyos, at ang 5-anyos na anak nilang si Nhala, habang nakaligats ang kanilang 9-buwang gulang, sanggol na anak.

Ani Gerodias, natutulog ang sanggol sa duyan nang maganap ang masaker.

Kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng kanilang kaanak ang nakaligtas na sanggol.

Narekober ng pulisya ang hindi pa tukoy na bilang ng mga basyo ng bala ng Armalite rifle.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo ng pag-atake at pagkakakilanlan ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …