Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon FAMAS

Allen naiyak sa Hall of Fame award ng FAMAS

MA at PA
ni Rommel Placente

SA katatapos lang na FAMAS Awards Night 2022 ay tumanggap ng Hall of Fame award si Allen Dizon sa kategoryang Best Actor. Limang Best Actor trophy na kasi ang napanalunan niya mula sa oldest award-gving body.

Una siyang itinanghal na Best Actor sa FAMAS noong 2009 para sa pelikulang Paupahan. Sumunod ay noong 2009 para naman sa Dukot. Ang ikatlo ay noong 2015 para sa Bomba. Ikaapat ay sa pelikulang Magkakabaungnoong 2015 at ang huli ay sa Latay noong 2021.

O, ‘di ba bongga si Allen?

Bahagi ng acceptance speech ni Allen sa awards night noong Sabado, July 30, 2022, “Simple lang po ang pangarap ko noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz, ang maging artista para makatulong sa pamilya ko.

“Eleven years old po kasi ako noong namatay ang father ko at nakita ko ang hirap ng mother ko being a single mother of four.

“Ngayon, nailagay ako sa Hall of Fame for Best Actor kahilera ang mga bigating artista na tinitingala sa industriya kagaya nina FPJ, Eddie Garcia, Christopher de Leon, President Erap, pati na rin si Ms. Charito Solis, Vilma Santos, at National Artist Nora Aunor.

“Para akong nasa alapaap, sobrang saya. Nakaiiyak po.

“Pero hindi ibig sabihin nito ay makakampante ako, kundi lalo ko po pagbubutihin ang pag-arte at ipagpapatuloy ang paggawa ng makabuluhang pelikula.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …