Thursday , April 3 2025
3x3 Wheelchair Basketball ASEAN Para Games

PH cagers tinalo ang Indons sa 3×3 Wheelchair Basketball

SURAKARTA, Indonesia – Inasahan si Alfie Cabanog sa inside game para talunin ng Team Philippines ang Indonesia 15-10  sa men’s 3×3 wheelchair basketball event para sa  unang panalo ng bansa sa 11th ASEAN Para Games sa GOR Sritex Arena nung Sabado.

Bandera ang Indons sa kaagahan ng laro 0-2,  pero  napakitang-gilas si Cabanog na nagpakawala ng 6-1 run  sa pakikipag-partner kay Kenneth Tapia.   Ito ang una nilang panalo sa four-team, single-round series.

 Sa panalo ng men’s team ay medyo nagpalubag-loob sa maagang pag-eksit ng kanilang women’s counterparts, na nadale ng back-to-back losses sa Thailand at Laos.

Sa sumunod na mga laro, tinalo ng Thailand  ang  Cambodia 16-4 at Indonesia 18-2 para masungkit ang top spot sa men’s play at makasiguro sa pagpasok sa championship match na kung saan ay ang top two squads ay maglalaban sa gold, samantalang ang nalalabing teams ay magbabakbakan sa bronze medal.

Susunod na makakaharap ng Filipinos ang Thais at susundan iyon ng laban nila sa Cambodians.  

“We didn’t see our Indonesian opponents until we saw them on the floor. But when I saw Alfie was taller than them, I drew up plays to feed him the ball inside the paint,” sabi ni  national coach Vernon Perea sa istratehiyang ginamit para sa panalo.  “If we beat Cambodia tomorrow then we are assured of facing Thailand in the finals,”

“Masayang-masaya po kami at binigay namin ang best para matalo ang Indonesia,” sabi ni  Cabanognative ng  Montawal Maguindanao, North Cotabato,  na may walong puntos.

PInuri naman ng mga manlalaro ang pagiging matimpiin sa kanyang pagtitimon si coach Perea.  Malaki ang inunlad ng diskarte niya simula nung lumahok siya sa national team noong 2017 ASEAN Para Games sa Kuala  Lumpur, Malaysia.

Nang lumalamang na ang Filipinos ay  kinuwestiyon ng hosts ang taas ng wheelchair ni Cabanog,   para itigil pansamantala ang oras ng technical officials sa loob ng ilang minuto.  Pero hindi naging sagabal iyon para ipagpatuloy ng mga PInoy ang magandang laro.

About hataw tabloid

Check Also

PNVF Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Second Nuvali Open

Ilulunsad ng PNVF ang Rebisco AVC Beach Volleyball Tournament sa Nuvali

Babalik ang aksyon sa Lungsod ng Santa Rosa sa Nuvali Sand Courts ng Ayala Land …

Battle of Calendrical Savants sa Abril 9

‘Battle of Calendrical Savants’ sa Abril 9

TALASAN ng isip ang matutunghayan ng sambayanan sa pagsabak ng mahigit 10 henyo sa ‘Battle …

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

Asahan ang mga kapanapanabik na aksyon sa paglalaro ng mga premayadong beteranong table tennis netters …

Tats Suzara Alas Pilipinas womens volleyball

Alas Pilipinas Women’s 33 wish lists inimbitahan sa tryouts – Suzara

TATLONGPU’T tatlong mga prospect—kabilang na ang 15 kasalukuyang miyembro ng Alas Pilipinas—ang iimbitahan sa isang …

Alex Eala

Sa WTA Miami Open   
19-ANYOS PINAY WILD CARD GINAPI  WORLD NO. 2, 5 GRAND SLAM CHAMP

ni MARLON BERNARDINO NAGBUNYI ang Filipino sports enthutiasts nang pumasok sa semi finals round ng …