Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, 12 player’s single round robin, 10 minutes plus 5 seconds increment time control format na malinis ang kartada para makopo ang titulo at tanghaling kampeon sa First Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament na ginanap sa Avocadoria Rainbow, Marikina City nitong Biyernes, Hulyo 29, 2022.

Si Bernardino na incoming chess coach ng multi-titled Rizal Technological University Mandaluyong City chess team ay malakas na sinimulan ang kanyang kampanya tungo sa solo champion na may 9.0 points sa eleven rounds para maiuwi ang top prize, certificate plus trophy at Avocadoria stuffed toy.

Naging krusyal ang naging panalo ni Bernardino kontra kay Rolly Jon Baliwang sa Round 8 para  masukbit ang tagumpay na may nalalabi pang  tatlong  laro.

Si Bernardino na empleyado ng Philippine Racing Comission (PHILRACOM) mula sa kandili ni chairman Reli de Leon ay namayani kontra kina Elize Caryl Cafirma (Round 1), Jerico Bello (Round 2), Andro Huerto (Round 4), Justin Bryan Chong (Round 5), Elizsa Gayle Cafirma (Round 6), Baliwang (Round  at Michael Joshua Broqueza (Round 11).

Nauwi sa tabla ang laro niya kontra kina Joshua Vila (Round 3), Donato  Bello Jr. (Round 7), Mar Aviel Carredo (Round 9) at Gerald Gas (Round 10).

Si Bernardino ay isang veteran sports writer at radio commentator na nagko-cover ng  chess at billiards event.

– Marlon Bernardino –

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …