TULAD ng pangako ng OKBet – nangungunang Pinoy gaming platform sa bansa – mas kinagiliwan ng manonood ang mga aksiyon sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) provincial games kamakailan sa Bacolod City.
Mistulang MassKara Festival ang pagdiriwang sa ginanap na ‘OKBet Goes To Bacolod’ nitong Hulyo 18 sa University of St. La Salle Gymnasium na tinampukan ng mga laro sa pagitan ng host team Bacolod Bingo Plus, Valenzuela City XUR Homes Realty Inc., Zamboanga Family’s Brand Sardines, at Nueva Ecija Rice Vanguards.
Masiglang palabas tampok ang mga lokal performers taglay ang kasuotan sa pamosong MassKara Festival ang nagbigay ng kasiglahan sa Bacolodnon crowd bago sinimulan ang mga laro na bahagi ng ika-4 na season ng premyadong liga sa bansa.
Naglagay din ang OKBet ng espesyal na ‘booth’ kung saan namahagi ng mga regalo at papremyo tulad ng mga t-shirts, lanyards, para sa mga masuwerteng manonood, gayundin ang meet-and-greet sa mga players.
Ipinangako ng OKBet ang pagbibigay ng suporta sa liga matapos lagdaan ang kasunduan para sa pakikipagtambalan sa ligang itinatag ni boxing legend Manny Pacquiao na kasalukuyang pinapatnubayan ni Commissioner Kenneth Duremdes. Bago ang aksiyon, namahagi rin ang OKBet ng hygiene kit sa pamahalaang lungsod ng Bacolod City bilang pakikiisa sa programa para sa pangkalusugan.
Nitong nakalipas na buwan, inilunsad din ng OKBet ang makatawag pansin na mural sa pamosong Tenement Court sa Taguig City – ang tanyag na basketball court ay nakapaglunsad na ng iba’t ibang makasaysayang mural kabilang ang imahe ng namayapang NBA star na si Kobe Bryant at anak na si Gigi bilang pagkilala.
‘The two parties share a common goal in empowering home-grown talents for them to reach their full potential, especially in these trying times when we are still recovering from the COVID-19 pandemic,” pahayag ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes matapos ang MNOA signing.