Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo Kuya Kim Pokwang

Rabiya humanga kina Kim at Pokwang 

RATED R
ni Rommel Gonzales

MALAYO sa inaasahan niya ang nakita ni Rabiya Mateo sa pagkatao nina Kim Atienza, at Pokwang.

Si Kuya Kim akala ko kasi nasa news and current affairs siya akala ko masyadong stiff ‘yung personality, however sa dressing room talaga siya pa ang nagbabangka-bangka minsan ng tsismis,” at tumawa si Rabiya.

Parang, kanya-kanya rin naman kaming dala na baon [na tsmismis]. At saka si Kuya Kim napakabait niya talaga, napakabait niya and sabi ko nga hindi ko lang siya workmate, churchmate ko rin siya.

“Kay Mamang Pokwang naman po, parang dati, takot akong magkamali kasi I know napakatagal na niya po sa industriya pero si Mamang nandoon talaga ‘yung touch ng pagiging nanay.

“Hindi talaga maiiwasan. Like for example ‘pag kaunting masama lang ‘yung pakiramdam, ‘Anak gusto mong gamot? May gamot dito.’ ‘O magdadala ako ng pagkain bukas.’

“Parang mas na-prove ko na kahit sobrang tagal na nila sa industrya nandoon pa rin po talaga ‘yung puso sa kung anumang ginagawa nila ngayon.”  

Ang TikToClock ay ang bagong game show ng GMA na anf mga host ay sina Rabiya, Pokwang, at Kim na nagsimulang umere noong July 25, 2022, mula Lunes hanggang Biyernes ng 11:15 a.m., bago ang Eat Bulaga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …