UMABOT sa 16 international flights ang naapektohan ng runway closure sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, Linggo ng umaga, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).
“The extended maintenance hours will affect scheduled flights using wide body aircraft. International flight operations shall continue a limited scale,” pahayag ng MIAA.
Dahil dito, maraming flights ang naapektohan partikular sa mga oras na isinasagawa ang pagre-repair ng mga butas sa Runway 06/24, na-delay at na-divert sa 3:30 a.m. hanggang 6:20 a.m. window.
Nanatiling nakabukas ang Runway 13/31 para sa Boeing B737 at Airbus A320 aircraft at iba pang maliliit na eroplano.
Ang regular maintenance repair ng NAIA international runway ay na-extend mula 1:30 am hanggang 3:30 am nitong Linggo, 25 Hulyo 2022, hanggang 6:30 am para sa kaligtasan ng eroplano na gumagamit ng Runway 06/24.
Maagang inabisohan ng MIAA ang mga kaanak at kaibigan ng mga pasaherong may mga flight na apektado ng closure upang mag-check tungkol sa status ng flights sa pamamagitan ng pagtawag sa NAIA flight information.
Ayon sa MIAA media affairs, “as of 6:55 am July 24, 2022, ang mga apektadong international flights ay:
Terminal 1 Arrivals (PR117 Vancouver-Manila).
Terminal 2 Arrivals: PR733 Bangkok-Manila, PR596 Hanoi-Manila, PR103 Los Angeles-Manila (diverted to Clark), PR105 San Francisco-Manila, PR127 New York-Manila, PR522 Pnom Penh-Manila, PR536 Jakarta-Manila.
Terminal 3 Arrivals: Cebu Pacific
5J752 Ho Chi Minh-Manila, 5J804 Singapore-Manila,
Singapore Airlines SQ918 Singapore-Manila, Emirates
EK336 Dubai-Manila.
Departures: Cebu Pacific 5J116 Manila-Hong Kong,
5J929 Manila-Bangkok, 5J813 Manila-Singapore,
5J272 Manila-Hong Kong. (RR)