Sunday , December 22 2024
BBM Philippine Women’s National Football team
PINARANGALAN ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Women’s National Football team sa Malacanang nang magkampeon sila sa 2022 AFF championhip.

PH Women’s Nat’l Football Team nag-courtesy call kay Pres. Marcos

MAINIT       na tinanggap ni President Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. ang Philippine Women’s National Football team sa Malacanang nung Miyerkules at pinuri sila sa pagkakapanalo sa 2022 AFF championship.

Para pasiglahin ang event, dinala sila ni Philippine Sports Commission officer-in-charge at Executive Director Atty Guilllermo Iroy sa Malacanang.   Pinasalamatan ng presidente ang kampeon na nagbigay ng makasaysayang tagumpay para sa bansa.   

Nagbigay ang PFF ng football na pirmado ng mga miyembro ng national team sa presidente kasama ang football shirt na may pangalan ni Bong Bong.

Pinasalamatan ng presidente ang PSC at PFF sa kanilang patuloy na tagumpay sa sports.   Sinabi niya na ang tagumpay ng team ay dahil sa matinding training at hardwork.

Sinabi rin ni president Marcos na ang puso ng Filipino ay naipakita ng Filipinas sa kompetisyon na nagbigay ng honor.   Sinabi pa niya,   “sports means more than just playing games, it means developing discipline, learning to sacrifice, to be gracious in victory. Learning to work with other people, as a team, which are lessons we carry on in our life. And that’s how important sports is.”

Pagkaraan ng photo op sa presidente, ang delgasyon ay nakipagkita kay Executive Secretary Victor Rodriguez at Presidential Management Staff Secretary Ma. Zenaida Benedicto-Angping.   Pinasalamatan ni Sec. Rodriguez ang mga atleta sa ibinigay nilang karangalan sa bansa.

Present din sa naging courtesy call si PFF President Mariana Araneta Jr.   Ang PFF Secretary General Atty. Edwin Gastanes kasama ang team officials na pinagunahan ni Team Manager Jefferson Cheng.

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …