Wednesday , April 2 2025
Laguna Heroes PCAP Chess

Laguna Heroes panalo sa kanilang  huling  elimination match sa 2022 PCAP tourney

NAIPANALO ng Laguna Heroes ang kanilang last elimination match kontra sa Quezon City Simba’s Tribe, 12-9 para pumuwesto na  pang-apat  sa  2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP)  Northern Division virtually na lumarga sa Chess.com Platform nung Miyerkules ng gabi.

Sariwa pa sa back-to-back na panalo nung Sabado ng gabi sa Isabela, 19-2, at Rizal, 12-9,   ay naipagpatuloy nila ang winning move at huling biktima nila ay ang  Simba’s Tribe.

Nakuha agad ng Laguna ang early lead,  6-1, sa first seven playing boards sa blitz game courtesy nina two-time Asian Junior champion Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr., Woman National Master Karen Jean Enriquez, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Vince Angelo Medina, Arena Grandmaster Kimuel Aaron Lorenzo at Richie Jocson.

Sa rapid category ay nakabalik ang Quezon City na nakuha ang momentum sa panalo nina National Master Robert Arellano, Ricky Echala, Kristian Paulo Cristobal at Joseph Navarro tungo sa impressive 8-0 record.

Gumanti ang Laguna at nakamit ang lead column sa gabay ng  momentum-boosting three-board winning streak nina Fide Master Austin Jacob Literatus, Michella Concio at Bagamasbad.

Bagama’t naisubi ng Quezon City’s 8-6 wins sa rapid category, ay nakuha pa rin ng Heroes ang no.4 spot sa division tungo sa 12-9 victory sa Simba’s Tribe.

Salamat sa last board win na ibinigay ni  Bagamasbad kontra kay Quezon City Simba’s Tribe Playing Team Owner Danilo Ponay.

Tumapos ang Heroes sa kanilang regular season na may 425 points, 21 wins at 13 losses, lamang  sa Manila’s 404.5 points sa Northern division.

Napanatili ng Iloilo ang no. 1 team sa conference na may 518 tallied points habang ang Pasig ay nasa second overall na may 500.5 points.

– Marlon Bernardino –

About Marlon Bernardino

Check Also

PNVF Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Second Nuvali Open

Ilulunsad ng PNVF ang Rebisco AVC Beach Volleyball Tournament sa Nuvali

Babalik ang aksyon sa Lungsod ng Santa Rosa sa Nuvali Sand Courts ng Ayala Land …

Battle of Calendrical Savants sa Abril 9

‘Battle of Calendrical Savants’ sa Abril 9

TALASAN ng isip ang matutunghayan ng sambayanan sa pagsabak ng mahigit 10 henyo sa ‘Battle …

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

Asahan ang mga kapanapanabik na aksyon sa paglalaro ng mga premayadong beteranong table tennis netters …

Tats Suzara Alas Pilipinas womens volleyball

Alas Pilipinas Women’s 33 wish lists inimbitahan sa tryouts – Suzara

TATLONGPU’T tatlong mga prospect—kabilang na ang 15 kasalukuyang miyembro ng Alas Pilipinas—ang iimbitahan sa isang …

Alex Eala

Sa WTA Miami Open   
19-ANYOS PINAY WILD CARD GINAPI  WORLD NO. 2, 5 GRAND SLAM CHAMP

ni MARLON BERNARDINO NAGBUNYI ang Filipino sports enthutiasts nang pumasok sa semi finals round ng …