HULI ang anim katao at nasamsam dito ang higit P1.4 milyon ng droga sa back to back operation sa lungsod ng Antipolo.
Sa ulat ni P/Maj. Joel Costudio chief ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala, ang mga nadakip na sina Jeffrey Esguerra, Anastacio Hementiza at Rodel Dizon kapwa mga high value target, Abdul Barazar, Ronald Dela Cruz at Yoshihara Narabe kapwa ng Sitio Pandayan, Brgy., Inarawan ng lungsod.
Unang nadakip sa drug operation sina Esguerra, Hementiza at Dizon, dakong 12:20 ng umaga July 20 Sitio Gumamela – 1, Brgy., Sta Cruz at nakumpiska dito ang 110 grams ng shabu na nagkalahalaga ng P784, 000.00 habang dakong 4:14 ng madaling araw sa kaparehong araw sa, Sitio Pandayan sina Barazar, dela Cruz at Narabe.
Narekober din sa mga ito ang 105 grams ng droga na may kantidad na, P680, 000.00.
Sa, kabuoan nakalikom ang mga awtoridad ng P1, 464,000.00 halaga ng droga at iba’t-ibang shabu paraphernalia.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kinakaharal ng mga, suspek.
Pinuri naman ni Baccay, ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit sa walang humpay na operasyon laban sa iligal na droga para tuluyang sugpuin ang paglaganap nito sa probinsya ng Rizal. (EDWIN MORENO)