Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sexagenarian, kinakasama arestado sa pagbebenta ng shabu

Sexagenarian, kinakasama arestado sa pagbebenta ng shabu

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado sa isang drug buy-bust operation sa Calamba City, Laguna ang isang sexagenarian at partner nito sa pagbebenta ng shabu.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr ang mga suspek na sina Segunda G Capusi aka Dina, 60 y.o., walang trabaho, at naninirahan sa Brgy. Sampiruhan, Calamba City, Laguna; at Mark Joseph R Decena aka Kambal, 19 y.o. walang trabaho, at naninirahan sa Brgy. Pansol, Calamba City.

Inaresto ng Calamba City Police Station (CPS) ang mga suspek sa isang operasyon noong Hulyo 19, 2022, alas-2:45 ng hapon. sa Brgy. 1, Calamba City, Laguna.

Sa operasyon, nahuli ang suspek na si Decena sa aktong nakikipagsabwatan sa suspek na si Capusi sa pagbebenta ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa mga pulis na nagsilbing poseur buyer.

Isa pang apat (4) na sachet na nakalagay sa coin purse na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa suspek na si Decena habang narekober naman sa suspek na si Capusi ang five-hundred-peso (PHP 500.00) bill buy-bust money at apat (4) na piraso ng fifty-peso (PHP 50.00) na mga perang papel na inilagay sa isang coin purse.

Ang mga nakumpiskang droga na hinihinalang shabu ay tinatayang may timbang na pitong (7) gramo at tinatayang halagang apatnapu’t pito (PHP 47,600.00).

Ang mga naarestong suspek ay kilalang source ng shabu sa Brgy. 1 at mga kalapit na Barangay.

Nasa kustodiya na ngayon ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek at ihaharap sa Office of the City Prosecutor sa Calamba City para sa inquest proceedings para sa paglabag sa Sec. 5, 11, at 26 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …