Tuesday , December 24 2024
Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino

Sa panawagang pagkakaisa
FM JR., SUPORTADO NG GRUPONG AYAW NG PAGKAKAWATAK-WATAK SA POLITIKA

ISANG grupo ng mga mambabatas, mga dati at kasalukuyang opisyal ng lokal na pamahalaan, at mga makataong grupo ang naglunsad ng pagkilos para suportahan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na pagkakaisa at tanggihan ang politikal na pagkakawatak-watak upang makamit ang mithiin ng pamahalaang magkaroon ng pag-unlad.

Ang grupo na tinaguriang Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino ay lumantad sa publiko sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Marquee Tent, Edsa Shangri- la Hotel na dinalohan nina dating Senate President Vicente Sotto III, Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos na biniyayaan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Kabilang sa mga bumubuo ng grupo sina Rep. Rida Robes ng San Jose del Monte City, Bulcan, Divina Grace Yu ng Zamboanga del Sur, Luisa Lloren Cuaresma ng Nueva Vizcaya, Richard Gomez ng 4th District ng Leyte, Johnny Pimentel ng Surigao del Sur, Toby Tiangco ng Navotas. Rosanna “Ria” Vergara ng Nueva Ecija at Bacolod City mayor Alfredo Abelardo Benitez.

Sinabi ni Sec. Abalos, tagapagsalita, ang pagbuo ng grupo ay tugon sa panawagan ng Pangulo na pagkakaisa at pagtanggi sa pagkakawatak-watak ng politika sa bansa.

Aniya, mariin ang sinabi ni Pangulong Marcos, Jr., “we are here to repair a house divided… to make it strong again in bayanihan way. Our coming together is our response to the President’s clarion call for unity. KNP is immediately formed to formalize that movement to solidify (our) platform for cohesive, inclusive and unified action for national economy and sustainable development,” sabi ni Sec. Abalos.

Inilinaw ng bumubuo ng KNP na hindi ito pagkilos politikal kundi isang socio-civic movement na naglalayong abutin ang lahat ng sektor ng lipunan hanggang mga katutubo.

Ayon kay Rep. Robes, “All we want is toe the group to be inclusive and united in pursuit of a better Philippines.”

“Ito po ay tugon sa panawagan ng pangulo –ang magbuo ng isang kilusan at pagalingin ang malalim na hidwaan ng pagkakawatak-watak… Ang kilusan ng Nagkakaisang Pilipino ay isang kilusan, samahan, ugnayan at tagpuan ng lahat ng Filipino na nagmamahal sa bansa at naghahangad ng tagumpay at pag-unlad ng buhay ng bawat Filipino,” dagdag niya.

“What happened today is only the beginning of a bigger plan to expand the organization. Today we are 200. Next month, 2,000… and in the days to come 20,000 to 200,000 to 2 million to twenty (million) and beyond. The growth is exponential until we embody our vision of a truly unified nation,” sabi ng kongresista.

Layunin ng grupo na makintal sa kaisipan ng marami ang isang pamahalaan at pagbabago.

               “We are here to affirm our unwavering and full support to President Ferdinand Marcos, Jr., — in his call to collectively work for a better Philippines for all Filipinos regardless of political conviction, religion, motivations and creed,” pahayag niya.

Sinundan ni Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna Vergara ang naturang panawagan at sinabing ang inilunsad na bagong samahan ay grupo ng nagkakaisang Filipino na naglilingkod para sa mas maunlad na Filipinas.

“Ito ay para sa lahat at lahat ay kasama — walang iwanan. It is for everyone and everyone is welcome. Magkaiba man ang ating pinaggalingan, ang ating mga pananaw — nagkakaisa tayo sa layunin at mithiin, dagdag pa niya.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …