TUMANGGAP ng Covid-19 kits, food packs at hygiene kits ang 50 Person Under Police Custody (PUPC) buwanang Outreach Program ng PRO4A Officers Ladies Club (OLC) sa Angono Rizal.
Mismong si Mrs. Josephine Yarra, may bahay ni PRO4A-Calabarzon Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, ang namuno sa programa kasama sina Mrs. Viola Ancheta, Internal Vice President at mga miyembro ng Rizal Officer Ladies Club na, sina Karen Santiago, kaagapay ang Rizal Police Community Affairs Development (PCADU) sa pamumuno ni OIC P/Maj. Marinell Fronda.
Nabatid na ang aktibidad ay kaugnay sa ika-27th Police Community Relation Month na may temang “Ugnayang Pulista at Kumunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” na ginanap sa Angono Municipal Police Station Custodial Facilities at 50 preso ang nabiyayaan ng Covid-19 kits, food packs at hygiene kits para sa araw-arawcna konsumo.
Sinabi ni Mrs. Yarra sa mga inmates, kahit limitado ang galaw kailangan dim anya na bigyan importsnsya ang kalusugan at panatilihing malakas ang katawan nz mabisang pangontra sa nakamamatay na Covid-19.
Kaugnay nito, nagpasalamat si P/Major Henry Villagonzalo, chief of police ng Angono PNP na ang 50 PUPC ng istasyon ang nabigyan ng benepisyaryo ng outreach program ng ni Mrs. Yarra ang pangulo ng PRO4A-Officer Ladies Club. (EDWIN MORENO)