Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zoe Ramos Chess

Zoe Ramos susulong  sa Nat’l Age Group Chess Championships Grandfinals

MANILA–Patungo si   Zoe Ramos sa Bulacan na umaasa na mas lalong mapaganda ang kanyang national ranking bukod sa muling pagbibigay ng karangalan sa bansa.

Kasama ang kanyang coach  na si Jose Fernando Camaya ay makikipagtunggali  si Ramos sa National Age Group Chess Championships Grandfinals na tutulak mula Hulyo 19 hanggang 24, 2022 na gaganapin sa Robinsons Mall sa Malolos City, Bulacan kung saan ay magsisilbing punong abala si Mayor Christian Natividad.

“I will do my very best,” sabi ni Ramos na student ng Sta Cruz Elementary School sa Porac, Pampanga.

Matatandaan  na si Ramos ay naging  overall 10th placer sa U-12 Girls Category ng National Age Group Chess Championships semifinals nitong Mayo 26 hanggang 29, 2022 virtually na ginanap sa Tornelo Platform.

Si Ramos na nasa kandili nina Porac, Pampanga Mayor Jaime ‘Jing’ Capil at Kagawad Sunday Sampang Dizon ay grandfinalist din ng National Youth and School Chess Championships.

– Marlon Bernardino –

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …